FELIP JHON POV
"Sir never ko po talaga siyang nakitang pumunta dito, hindi ko nga po alam kung nasaan ang babaeng tinutukoy niyo. Matagal ng panahon na po yun, bakit ngayon niyo lang po siya hinanap?"
Hindi na ako sumagot ng sabihin ni Manuel sa akin 'yan. I still know him, he is the Manager of Hakuna Matata Resort, nothing has changed in his appearance so I recognized him immediately.
"Kung gusto niyo po ay hintayin niyo nalang dumating yung anak ng may ari ng resort na ito. Kung ayaw niyo pong maniwala ay siya ang kausapin niyo, wala po talaga dito si Miss Gwy. At bakit naman po siya mag s-stay dito sa resort namin?"
"I have a feeling that she's here. I just want to make sure."
"It's been a long time Mr. Suson, in those five years hindi na natin alam baka masaya na siya sa buhay niya ngayon, bakit ngayon niyo lang po siya hahanapin?"
"Kaya nga nandito ako para mag sorry sa kaniya, kaya ko siya hinahanap."
"Sorry pero wala po talaga dito ang hinahanap niyo." after saying that he left in front of me.
Tinanong ko siya kung nandito ba si Asaki, or nakita niya pa bang natulog siya dito noong gabing iyon. Pero sabi niya ay hindi na daw niya nakita. Imposible naman yun, alangan na hindi siya bumalik sa resort para kunin ang mga gamit at pera niya.
And one more thing, if Asaki goes back to Manila, she will probably go back to their old house in Makati, pero wala siya doon nung pumunta ako. So ibig sabihin nasa Pagudpud lang talaga siya at hindi umalis.
This morning when I woke up, I took a coconut fruit para kapag magising yung bata na kasama ko ay meron akong ipapaninom sa kaniya. Kaso pagbalik ko ay wala na siya at tanging yung hoodie ko lang ang naiwan doon.
I looked at the footprints of his feet and they were traveling towards the road to the resort, kaya ibig sabihin ay umuwi na siya. Akala niya siguro ay iniwan ko siyang natutulog doon kaya siya umalis.
I followed his footsteps and without realizing I ended up at the resort a few minutes later. Pagpasok ko, naalala ko lahat kung bakit ako nandito. Nang makita ko ang lalaking familiar sa akin na nasa information desk ay lumapit agad ako sa kaniya at tinanong siya agad, and he was Manuel. Nagulat pa siya pero wala akong pakialam. I wanted to know if he saw Asaki that night... Pero ang sagot niya ay hindi.
Now I'm still here, hinihintay o nagmamasid kung may makikita akong Asaki pero napaangat ang tingin ko sa lalaking kakarating lang na nasa harapan ko.
He has a strong appearance, we are also the same height, he is also dark skin and looks rich man. I just realized that he might be the son of the resort owner because Manuel was behind him.
"Ikaw ba si Mr. Suson?"
Tumayo agad ako at nag tapat ang aming mga paningin ng tanungin niya ako. Ramdam na ramdam ko ang tulis ng mata niya sa akin.
"Ako nga."
"Manuel called me and he said that you are looking for your ex-girlfriend here?" he even emphasized the last word he spoke. "Bakit mo siya hinahanap dito? Do you think she's here in our resort?"
"Posible. Baka kinupkop niyo siya dito at tinago ng ilang taon para hindi makabalik sa Manila."
"HAHAHA!" he laughed. "You think we're going to do that? You're thinking too much, man! Wala ng magagawa ang Resort kapag may mga ganong problema, ni hindi nga nagpakita yun pagkatapos mo siyang iwan sabi sa akin ni Manuel... I know about that because he told me what happened the next day, nag agree pa nga ako na ipasarado ang Resort ng 3 days para sa inyo. Pero nabalitaan ko nalang na iyon ang nangyari... Akala ko naman ay kaya hindi na siya bumalik dahil umuwi na kayong dalawa ng walang paalam sa management, yun pala ay iniwan mo siya." mahaba niyang litanya. "Kaya kung maaari ay umalis ka na lamang dahil wala kang mahahanap dito, kung gusto mo siyang hanapin sa ibang lugar ka maghanap, baka sakaling mahanap mo siya dun." He approached me and whispered. "Kung ano man ang problema mo, huwag mong dinadamay ang Resort ko."
YOU ARE READING
LOVING HER TRUE
Hayran KurguLOVING HER TRUE || The Model And The CEO - SB19 CEO SERIES #1 ☽︎☾︎ Felip Jhon Suson is a CEO of an streetwear brand in the Philippines called, Superior Son. To be honest the CEO himself has not really thought of having his own model because he does...