C.64

161 13 5
                                    

ASAKI GWYNETH POV



     Pumasok agad ako sa kwarto ni Ken ng makaalis si Felip. Lalapitan ko sana siya ngunit may hawak hawak siyang stainless cage na may sisiw na nakakulong doon. Kinakausap niya iyon ng madatnan ko dahil mukhang napilay yung sisiw, umiiyak rin siya.



"Ken."



Pag banggit ko ng pangalan niya ay tinignan niya lang ako at binalik muli ang paningin sa sisiw.



Agad kong hinablot ang hawak niyang kulungan at tinapon kong saan kaya naman gulat na napatingin sa akin ang anak ko at nag-iingay naman ang sisiw na naroon.



"Mommy, what did you do?!" galit niyang turan sa akin at napatayo sa kama niya.



"I don't want you to touch that, and I especially don't want you to bring that chick here to your room. Kung magtatae 'yan, sino maglilinis, ako, si Daddy mo, si Yaya?" galit kong sagot.



Naiinis na nga ako dahil sa huling sinabi ni Felip sa akin kanina at mas lalo akong nainis ng binilhan pa talaga niya si Ken ng walang kwentang sisiw na 'yan. Tangina, ba't ba ang hilig hilig nila sa manok?



"I can clean it Mommy, alaga ko siya kaya ako ang magpapakain at maglilinis sa kaniya!" he shouted which startled me.



"Ba't mo ko sinisigawan, hindi kita pinalaging ganyan."



"Kasi you're so bad na, I couldn't understand you in the past days Mommy." Nakaramdam naman ako ng yamot sa puso ko ng sabihin niya iyon. Sumusobra na ba ako? "Even Daddy scolds me earlier, hindi naman kayo ganyan dati ah, why---"



"Hindi kami magiging ganito sa'yo Ken kung nakikinig ka sa amin. Diba sabi ko sa'yo na huwag kang nakikipag kita sa taong iyon, ba't napaka tigas ng ulo mo?" I said directly.



"Why do you hate him, I always say that he's kind."



Jusko. Ano bang pinapakain ni Felip sa anak ko at nagkakaganito siya sa amin?



Pinulot niya ang sisiw na tinapon ko at binuksan niya ang kulungan at umiiyak na hinawakan iyon dahil napilayan ulit sa isang paa.



Umiyak siya ng umiyak. "Ehmehmehm Ehmehmehm..."



Nilapitan ko siya dahil bigla akong naawa. "Baby I'm sorry---"



Nagulat ako ng tabigin niya ng hindi gaanong kalakas ang kamay ko at hinarap ako.



"Si Daddy pinilayan na niya ito ng makita niya kanina tapos ikaw pinilayan mo rin, he still has a wound in his head. Hmp, it's your fault!"



Suddenly he ran away carrying the cage and the chick.



"Ken!"



I gasped as I felt a pain in my heart. I couldn't handle my child's crying. He was very hurt by what I did. I know how much he wants to have a chicken that is alive, at iyon pa ang nangyare sa pinaka unang manok niya.



At ano? Pinilayan ni Kenji kanina yung sisiw, iyon ba ang dahilan kung bakit niya hinihilot kanina yung sisiw habang kinakausap at umiiyak? Hindi narin siguro napigilan ni Kenji ang emosyon niya gaya ko ng makita ang sisiw. Nakakainis naman talaga kasi... O baka naiinis lang ako dahil nabilihan ni Felip si Ken, ako ay hindi?



     "Where is he?"



"We've been looking for him here inside the house Ma'am, but we couldn't find him." Yaya Anita answered my question with a worried look on his face like mine.



LOVING HER TRUEWhere stories live. Discover now