ASAKI GWYNETH POV
Hindi ko man makita ang buong itsura niya dahil sa araw na nasa likod niya, kitang kita ko naman na siya talaga ang lalaking nag iwan sa akin noon. Pero parang hindi na siya iyong lalaking nag iwan sa akin noon dahil marami na siyang pinagbago ngayon especially his appearance. His face has matured a lot, he is still handsome but he has become more handsome now, even his body has changed a lot too, if his body was young then, now it has become muscular, from head to toe.
Napalunok ako dahil feeling ko tinititigan ko na siya ng malalim.
"Asak---"
Kinuha ko agad si Ken at nilayo sa kaniya ng tawagin niya muli ako. "Huwag kang lumapit!" pag-atras ko at tinutok ko sa kaniya ang hintuturo ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung alam ko lang na siya pala ang tinutukoy ng anak ko, tangina sana hindi na kami pumunta dito, sana hindi ako pumayag.
"Do you have a-child?" nagtataka at hindi makapaniwala niyang tanong.
I know this is the first question he will probably ask me. "I-ikaw ang Mommy ni K-ken?"
Hindi ako sumagot.
"Mommy, do you know each other?" Ken asked me from behind but I signaled for him to keep quiet. But Ken forehead was wrinkled because he was so curious.
"Asaki who is K-ken's father?"
Agad kong hinila ang anak ko at umalis na agad kami ng marinig ko ang tanong niyang iyon. Kitang kita ko ang pagtataka at naguguluhan niyang mga mata.
"Asaki sagutin mo ko, sino ang Tatay ni Ken?"
"Wala ka na dun!" sagot ko at nagmamadaling maglakad. Siya naman ay hinahabol kami.
"Asaki please, sabihin mo sa'kin kung sino ang Tatay niya."
Bigla ko siyang hinarap kaya napahinto siya sa paglalakad. "How dare you to ask that! Matapos ang lahat tatanungin mo sakin 'yan... Sa tingin mo ba anak mo siya ha? HINDI! Hindi mo siya anak Felip!" palaban kong sagot sa kaniya at halos naiyak na. Muntik akong mawalan ng hininga ng mailabas ko ang mga salitang iyon, ang hirap magsinungaling pero kailangan kong gawin, hindi pa ito ang tamang oras para malaman Niya. Kailangan niya pang baguhin ang sarili niya at buhay niya.
Nakita ko naman ang agaran niyang panlulumo sa mukha.
Disappointed?
Tangina, iniisip niya bang anak niya 'to? Ang lakas naman ng pakiramdam niya kung ganun.
"Eh kung hindi ako, sino?!"
I was about to speak when someone interrupted. "Ako, may problema ba?" anang boses ng isang lalaki.
Nagulat ako ng sumulpot bigla si Kenji sa amin. He faced Felip and they looked eye to eye in front of me. Nakita ko naman ang panlilisik ng mata ni Felip sa kaniya.
"Ikaw?" kunot noong tanong niya kay Kenji at pinasadahan ng tingin pababa. "EH PUTANGINA KA PALA EH!"
Nagulat ako ng biglang sinuntok ni Felip si Kenji sa mukha ng sobrang lakas. As in ang lakas, kahit ako ay naramdaman ko yung pagkakasuntok niya kahit hindi sa akin lumapad ang kamao niya.
"Ahhh... Kenji!!!"
"You're such a liar!!! Tinanong kita noong isang araw kung nandito siya sa resort pero ang sabi mo wala!! Yun pala tinatago mo siya sa akin para hindi ko malaman!... Kaya naman pala ang tindi ng kutob ko sa'yong hayop ka!!!"
YOU ARE READING
LOVING HER TRUE
FanfictionLOVING HER TRUE || The Model And The CEO - SB19 CEO SERIES #1 ☽︎☾︎ Felip Jhon Suson is a CEO of an streetwear brand in the Philippines called, Superior Son. To be honest the CEO himself has not really thought of having his own model because he does...