ASAKI GWYNETH POV
"Ano ba! Kanina ka pa sunod ng sunod!" Inis kong bulyaw kay Felip dahil kanina pa siya sumusunod sa akin dito sa mall. Unexpected lang na nagkita kami dito dahil may binibili ako na dapat hindi niya malaman.
"Why are you here at the mall?" tanong niya na para bang hindi niya ginagamit utak niya.
"Malamang bumibili." sagot ko at agad akong pumasok sa boutique ng mga pang weather gear.
"Bumibili? Nang mga ganito?" Kunot noo niyang hinawakan ang mga coat. Nang maalala kong hindi pala niya dapat malaman na aalis kami nina Kenji patungong France ay agad akong umalis doon at pumunta nalang sa ibang boutique.
Yeah, tama ang nakita niyo, we are going to France not just for a vacation but to escape from him. Napagdesisyonan ko kasing iyon ang gagawin ko para hindi niya ako magambala. Bobo mang dahilan pero iyon nalang ang pwede kong gawin.
"Why are you buying such things, hindi naman winter dito sa atin?"
He was still chasing me until we entered the Nike Shoes boutique. Malawak ito at para siyang book shelves na nakahilera. Hindi ko rin alam ba't dito ako napadpad. Naghuhulimentado na kasi ang buong katawan ko dahil sa presensiya niya.
"Sinusundan mo kasi ako kaya hindi ko na alam kung saan ako pumapasok!" Inis ko siyang hinarap at agad akong nagkunwaring pumipili ng sapatos.
I mean, pinapasadahan ko lang ng tingin yung mga shoes, hindi ko talaga ito tinititigan.
"Bibilhan mo ba si Kenji ng sapatos niya?" I suddenly looked at him from my side because of his sudden question.
"Anong pinagsasabi mo, bakit ko naman siya bibilhan?"
"Eh bakit ka tumitingin sa men's shoes kung hindi mo siya bibilhan?" he asked with smirked on his face.
"A-ahh..."
Dahan-dahan kong binalik ang paningin ko sa tinitignan ko kanina at agad akong napaatras ng anlalaki ngang mga sapatos ang nasa harapan ko. Narinig ko siyang mahinang tumatawa sa gilid ko.
Narindi ako sa tawa niya kaya pinandilatan ko siya ng mata. Pero agad naman akong nakaisip ng pakulo para mawala ang pagtawa niya kaso naunahan niya ko magsalita.
He slowly cornered me until the shoe shelves were behind me. It's a good thing that the shoe shelves are built on a wall so it won't fall over, no worries.
"Kung hindi sa kaniya, kanino, para sa akin?" he asked and bit his lips.
What the hell?
Bigla ko siyang tinulak pero parang umatras lang siya dahil sobrang lakas niya.
"Asa ka! Ba't naman kita bibilhan?"
"Maybe you wanted to buy me?" Nagkibit balikat siya at tumawa ulit but this time ay mahina na. Parang nang-aasar siya na ewan.
"I'm buying Kenji, not you!" sabi ko at inirapan ko siya.
Nakita ko naman ang unti-unting pagkawala ng ngiti niya. Nang makita ko iyon ay agad ko na siyang iniwan at pumunta sa ibang shelves para tumingin ulit ng ibang sapatos. Hindi ko napigilan tumawa dahil sa naging reaksyon niya. Hahaha ang cute niya magselos.
Ah--- what, sinabi ko bang ang cute niya? No way!
I was about to take the black sneakers in a size of 45 but suddenly someone grabbed my hand and stopped me from taking the shoes.
YOU ARE READING
LOVING HER TRUE
FanfictionLOVING HER TRUE || The Model And The CEO - SB19 CEO SERIES #1 ☽︎☾︎ Felip Jhon Suson is a CEO of an streetwear brand in the Philippines called, Superior Son. To be honest the CEO himself has not really thought of having his own model because he does...