Chapter 1 - Elsie's Birthday

16.5K 357 38
                                    

Elsie's PoV :

Hi, my name is Elsie Montenegro. 16 years old at 4th year high school student na sa darating na pasukan.

"Elsie, bakit parang ang lungkot mo? Birthday mo pa naman ngayon." Tanong ng bestfriend kong si Janine habang kasalukuyan kaming naglalakad pauwi sa bahay.

"Hindi man lang ako binati ni Daddy. Hindi niya siguro naalala."

"Baka nakalimutan lang."

"Siya na nga lang ang kasama ko sa buhay, kinalimutan pa na birthday ko ngayon. Wala na ngang Mommy na bumati." Nasaan ang Mommy ko? Isinilang akong hindi ko alam kung nasaan o sino siya.

"Huwag ka na ngang malungkot dyan, nandito naman ako eh." Pagpapagaan ni Janine sa kalooban ko.

"Mabuti ka pa, lagi kang nasa tabi ko.'' Napapangiting sambit ko sabay akbay sa kanya.

"Naputulan na ata kami ng kuryente.'' Nang dumating kami sa bahay, patay ang lahat ng ilaw.

"SURPRISE!" Sa pagbukas ng ilaw, tumambad sa harapan namin si Daddy na may bitbit na cake.

"Dad..."

"Happy Birthday, Anak." Masayang pagbati ni Dad sabay lapit sa'kin.

"Akala ko nakalimutan mo na ang birthday ko, Dad. Grabe ka." Maluha-luhang sambit ko.

"Matitiis ka ba naman ng Dad mo?''

"Make a wish, Anak."

"Hmmm." Agad akong pumikit at nag-wish bago tuluyang i-blow ang kandila ng aking birthday cake.

"Yey! Anong wish mo?" Agad na tanong ni Janine sa'kin.

"Wish ko? Sana makasama ko na si Mommy"

"Anak, natupad na ang wish mo.'' Excited na pagkakasabi ni Dad.

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Alam kong matagal mo nang wish na magkaroon ng Mommy. Ito na siguro ang panahon para matupad 'yon." Natigilan kami ni Janine sa paglabas ng isang babae sa isang kwarto.

"Daddy, bakit hindi mo naman sinabi agad na may inide-date ka na?"

"Elsie, ano ka ba naman? Siya ang Nanay mo."

"Nanay agad? First time pa nga lang namin nagkakilala ng ka-date mo, Dad." Si Dad talaga, na-miss na atang magkaroon ulit ng lovelife.

Simula kasi noong ipinanganak ako, si Dad lang ang kinagisan kong magulang. Imbes na mag-asawa muli, mas minabuti niyang mag-pokus sa pagpapalaki sa'kin.

"Elsie, siya ang tunay mong nanay."

"Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko. She's my mother? As in siya ang nanay na hindi ko nakasama sa aking paglaki?

"Kumusta ka na, Anak?" Agad akong niyakap ng babaeng ipinakilala ni Dad bilang tunay na nanay ko.

Hindi agad ako nakapag-react nang maayos dahil sa gulat. Para akong na-estatwa habang nakayakap siya sa'kin.

"Totoo po ba ang sinabi ni Dad?"

"Oo, Anak. Ako ang nanay mo." Naluluhang sagot niya. For real?!

"Pero bakit..." Bago ko pa matapos ang sinasabi ko, agad siyang nagsalita.

"Pasensya na, Anak. Hindi ko nasubaybayan ang paglaki mo dahil may mga rason at bagay akong kailangan asikasuhin sa ibang bansa. Ngayong nandito na ako, susunduin ko na kayo."

Married To Bts JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon