Chapter 87 - Angel With A Shotgun

2.1K 65 9
                                    



MARCO'S POV :




How could this happen to me ?! Hindi ako makapaniwalang kaya na kong tanggihan ni Elsie ngayon . Dati rati pa'y halos magmukha na siyang tanga sa kakasunod sakin . Hindi ko akalaing mag-iiba na siya nang sobra . Inaamin kong nasaktan ko siya noong High School Students palang kami . Anong magagawa ko eh di ko naman siya inutusan na maging sunud-sunuran sakin !

Noong High-School kami , naaalala ko pang nakipag-away siya dahil lang sakin . Nakipagkarambulan siya sa ibang babae na nang-aasar sa kanya . Sinasabi kasi sa kanya ng ibang babae na wala siyang pag-asa sakin kaya naman nakipag-sabunutan siya . Siyempre , Di mawawala ang bestfriend niyang si Janine na sumali na rin sa rambol . Ipinatawag ang mga magulang nila , Anong ginawa ko ? Eh di wala ! Wala naman akong kaalam-alam sa mga trip nila noon .

Basta , Hinahayaan ko lang si Elsie na sumunod nang sumunod sakin . Nagbibigay siya ng kung ano-anong regalo sakin at palaging may handang pagkain para sakin . Siyempre tinatanggap ko yun , Hindi naman sa inaapi ko siya noon at ginagamit . Hinahayaan ko na lang siya dahil nakakaawa naman eh .

Naalala ko rin noong meron akong nakaaway sa school na mga siga at mayayabang na pangit namang estudyante sa school namin . Naiinggit sila sakin dahil sobrang sikat ako para sa mga girl students . Siyempre , Ipinagtanggol ko ang sarili ko sa kanila at nakipagsuntukan ako sa kanila . Medyo natalo ako dahil nag-iisa lang naman ako tapos biglang natigil ang pambubugbog nila sakin sa mismong school namin . Nagulat ako dahil sumulpot si Elsie at agad na pinaghahampas ng bag niya ang mga kaaway ko habang si Janine naman todo awat kay Elsie. Naitulak si Elsie ng mga kaaway ko't nagalusan siya sa braso . Ewan ko ba pero biglang nagbago ang tingin ko kay Elsie . Nakita ko sa mata niya ang tapang kahit na masasaktan siya sa gagawing pagtatanggol sakin . Natigil lang ang away nang dumating na ang Security Guard ng School para awatin kami . Agad naman akong napatawag sa Principal's Office kasama ang mga kaaway . Hindi naman nawala si Elsie at nadamay din kasama ni Janine . Naabsuwelto ko dahil kay Elsie at sa pagtatanggol niya sakin . Doon ko siya nasimulang magustuhan , Narealized kong kakaiba pala siya sa ibang babae na nagkakandarapa sakin nang sobra . 


Naging mabuti akong kaibigan sa kanya hanggang sa mas maging close pa kaming dalawa . Actually may mga times nga na ako na ang kasama niya imbes na si Janine . Habang tumatagal mas nagugustuhan ko siya kaso dumating ang araw na marealized kong I have to go para mag-aral sa ibang bansa . I already fell for her but I can't do anything para naman mas makasama siya . I remembered the day nang huli ko siyang makita noon .



FLASHBACK :



Mag-isa akong nagpapahinga sa may bench sa school nang lapitan ako ni Elsie .

''Marco , Nagbake ako ng cookies para sayo'' Sambit niya sakin sabay abot ng cookies.

''Elsie , What do you think you're doing ?" Tanong ko sa kanya kaya naman nagulat sya .

''Ahhhh....What's wrong ? Ayaw mo ba ? Gusto mo magluto na lang ako ng ibang foods for you ?" Tanong niya sakin.

Agad ko namang ihinagis sa lupa ang cookies na ibinake niya kaya nagulat siya . Nagulat din si Elsie na nasa likuran niya . I looked at her bravely .

Married To Bts JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon