Chapter 73 - The End Is Just The Beginning

2.2K 75 7
                                    



JUNGKOOK'S POV :



Nang mapagdesisyonan na ni Tita Miranda na dalhin sa Pilipinas si Elsie bigla akong nanlumo . Almost 1 week siya dun at baka tumagal pa nga . Natatakot akong may makilala si Tita Miranda na ipapalit sakin para kay Elsie . Ayokong mawala siya sakin dahil siya ang buhay ko . Siya ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban . Pero bakit ganun ? Bakit parang nag-iba bigla si Elsie ? Anong nangyari sa kanya ? Ang sabi niya sakin okay lang kahit hindi ko pilitin ang sarili ko pero bakit ganun siya ? Ginawa ko naman ang lahat ah . Bakit bigla siyang nagbago ? Ano nang gagawin ko ?

Sinabi pa niyang masaya siyang umalis nang di ako kasama . Ano bang nangyayari ? Inayawan na ba ko ni Elsie dahil pumalpak ako ? Sinasabi ko na nga ba eh ! Isa kong walang kwentang tao dahil pinakawalan ko siya . Hindi ko siya nagawang protektahan at ingatan kaya ngayon iiwanan na niya ko . Sa oras na mawala siya , Ako na naman yung dating Jungkook na walang direksyon ang buhay.

Agad na kong sumakay sa Van ng parents ni Elsie . Si Tita Miranda ang magdadrive . Biglang tumabi sakin sa likuran si Elsie nang tahimik lang at seryoso .

''Elsie , Ano bang nangyayari sayo ?" Tanong ko sa kanya pero di siya sumagot .

''Elsie , Ayaw mo na ba sakin ? Iiwanan mo na ba ko ?'' Tanong ko sa kanya kahit na kinakabahan ako sa pwede niyang isagot.

Hindi parin siya sumagot at imbes na kausapin ako ay kinuha niya ang phone niya at nagsuot ng earphone sabay pakinig na lamang sa mga kanta sa phone niya .Nanahimik na lang ako kasi mukhang wala naman siyang balak na kausapin ako .

Makalipas ang ilang oras ng biyahe pabalik sa bahay ng parents ni Elsie , Nakababa na kami sa Van at agad ko nang kinuha ang gamit ko sabay lagay sa loob ng kotse . Iniwanan ko kasi sa bahay ng parents ni Elsie ang kotseng ginamit ko.

Napatingin ako sa kanya at napalingon siya sakin pero di man lang siya nag-goodbye o ngumiti sakin . Siguro talagang ayaw na niya . Napayuko na lang ako pero di ako susuko basta-basta . Agad ko siyang nilapitan .

''Elsie , Kausapin mo naman ako oh ! Please'' Sabi ko sa kanya pero di niya ko pinansin .

Patuloy lang siyang lumakad papasok ng bahay kaya agad ko siyang hinawakan sa kamay at pinigilan .

''Elsie , Pwede ba kitang ihatid sa Airport ? Please ~ Para kahit hanggang dun makita kita sa .... huling pagkakataon'' Sabi ko . Napatingin siya sakin at tumango .

''Sige , Next Week ako aalis . Umuwi ka na'' Sabi niya sakin sabay pasok sa loob ng bahay nila . Agad na rin akong umalis at bumalik sa dorm . Nang bumalik ako sa dorm , Narinig kong nag-uusap sa loob ang ibang members .

''Tama ba 'tong ginagawa natin ?" Tanong ni Suga.

''Baka masaktan natin siya eh'' Sabi naman ni Jimin.

''Hindi 'yan ~'' Sabi ni Taehyung.

''Magtiwala lang kayo , Please'' Sabi naman ni Seokjin.

''Kami nang bahala ni Seokjin sa gamit niya'' Sabi ni Namjoon.

''Ako naman ang bahalang mag-entertain sa kanya'' Sabi ni J-Hope.

Nang pumasok ako sa loob ng dorm ay bigla silang tumahimik na para bang may ayaw ipaalam sakin . Nilapitan ko sila at tinabihan .

Married To Bts JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon