Elsie's PoV :
"Elsie, hindi mo na ba ako mahal?" Nag-alala ako nang marinig ang malungkot na boses ni Taehyung.
"Huwag kang mag-alala, Taehyung. Magagawan natin 'to ng paraan." Hinaplos niya ang aking pisnge habang ang kanyang mata'y tila nangungusap na huwag akong pumayag sa kasalang nais ng mga magulang ko.
"Mahal kita, Elsie." Parang sasabog ang puso ko nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Malapit nang magdampi ang aming labi nang bigla kong marinig ang boses ni Mom.
"Elsie, wake up." Agad akong napamulat ng aking mata.
"Mom?" Nagising ako nang yakap-yakap ang throw pillow na may print ng litrato ni Taehyung.
"Ayaw pa sana kitang gisingin ngunit may kailangan tayong puntahan kaya bumangon ka na."
"Hindi po ba pwedeng mamaya na lang? Hindi pa po tapos ang panaginip ko." Sinubukan ko muling ipikit ang aking mata.
"Anong panaginip? Elsie, bumangon ka na." Pangungulit ni Mom. Paano ako makakatulog ulit kung patuloy akong kukulitin ni Mom? Oo, panaginip na naman. Kailan kaya magiging reality 'yun?
"Wrong timing ka naman, Mom." Napakamot-ulo ako bago tuluyang bumangon.
"Hihintayin ka namin sa baba, Elsie. Kumilos ka na."
"Saan naman po tayo pupunta?" Curious na tanong ko.
"Basta bilisan mo na lang, Anak." Nang tuluyan nang lumabas si Mom, wala na akong ibang nagawa kundi ang kumilos.
Matapos kong maligo at magbihis, muli akong binisita ni Mom.
"Handa ka na ba, Anak?"
"Tapatin niyo nga po ako. Saan po tayo pupunta?"
"Panahon na para magkita kayo nang pakakasalan mo, Anak." Napahinga ako nang malalim dahil parang tataas ang dugo ko sa aking narinig.
"Po? Napag-usapan na po natin 'to kagabi, diba? Hindi po ako magpapakasal sa taong 'di ko kilala."
"Kaya nga panahon na para magkakilala kayo." Napa-pacefalm ako sa sagot ni Mom.
"Wait, Mom. Don't tell me ngayon ang kasal?!" Kinakabahang tanong ko.
"Relax, Elsie. Hindi pa ngayon, pero malapit na. Makikipagkita muna tayo ngayon sa pamilya ng pakakasalan mo." Paliwanag ni Mom.
"Si Taehyung lang ang gusto ko, Mom." Paninindigan ko.
"Hindi ka naman niya kilala, Anak. Itong pakakasalan mo, makikilala mo ngayong araw mismo. Tiyak na magkakasundo kayo't magiging masaya." Awts, ang sakit ha. Parang sinasabi ni Mom na wala kaming pag-asa ni Taehyung.
"Desisyon ka, Mom?"
"What?"
"I mean, never akong magiging masaya sa idea na ikakasal ako sa 'di ko naman talaga gusto."
"Let's go, Elsie. Sigurado akong matutuwa ka. Bibigyan kita ng clue, myembro siya ng sikat na grupo dito sa South Korea."
"Nagbibiro ka ba, Mom? Loyal po ako sa BTS." Naistress na ako.
"Tara na, Elsie."
"Loyal po ako kay Taehyung, Mom."
"Elsie..." Pareho kaming napalingon ni Mom kay Dad na nakatayo na pala sa pinto ng aking kwarto.
BINABASA MO ANG
Married To Bts Jungkook
FanfictionUNDER REVISION Kang Seulgi as Elsie Montenegro BTS as Themselves Bae Irene as Janine Smith Date Started: May 24, 2015 Date Completed: December 27, 2015