J-HOPE'S POV :
Marami nang nangyari sa buhay naming lahat . Hindi ko alam kung hanggang kailan kami maghihintay sa paggising ni Elsie . Kahit ako nalulungkot sa nangyari sa kanya , Sana nga magising na siya . Ayokong matulad si Jungkook sakin . Ayokong maiwanan rin si Jungkook . Tulad ko , Naiwanan na ko . Ni isang beses hindi man lang bumalik si Angela para magpakita sakin. Kung gusto niya talaga kong makitang muli at makausap , eh di sana hinarap na niya ko . Hindi parin siya nagbabago . Siya parin yung Angela na nanloko sakin . Sinabi ko sa sarili kong kakalimutan ko na siya nang tuluyan pero nagkamali ako . Hanggang ngayon pala nandito parin siya sa puso ko . Hindi ko siya maalis sa puso ko dahil hindi ko parin alam ang tunay na dahilan kung bakit iniwanan niya ko . Kailangan ko ng kasagutan para tuluyan na kong makapagmove on sa kanya .
''Oh Hobie , Mag-isa ka na naman diyan'' Sabi sakin ni Jimin.
''Hanggang ngayon hindi parin nagpapakita si Angela'' Sabi ko sa kanya sabay yuko.
''Nakamove on ka na ba talaga sa kanya kase base sa nakikita ko sayo ngayon hindi pa eh . Hinahanap mo parin siya . Umaasa ka paring babalik siya'' Sabi ni Jimin sakin.
''Alam ko , Kailangan kong malaman kung bakit niya ko iniwanan . Kasi hanggang ngayon nalilito parin talaga 'tong puso ko . Gusto ko nang makalimot'' Sagot ko .
''Hayaan mo , Balang araw susulpot rin yun . Maghintay ka lang pero sa ngayon i-enjoy mo muna ang buhay nang walang Angela malay mo effective'' Sagot ni Jimin sakin kaya napatawa ako.
''Sira ulo ka talaga ! Haha , Tara na nga sa loob'' Sabi ko kay Jimin sabay pandalas ng tayo. Sa loob ng dorm , nakita kong nag-aayos na ng mga dalahin sina Janine.
''Tara na guys , Pupunta na tayong Hospital !'' Yakag saming lahat ni Janine kaya naman agad na kaming kumilos. Hindi namin kasama si Jungkook ngayon dahil may pinuntahan pa siya . Kakausapin daw si Marco . Naku , Sana maging ayos lang ang pag-uusap nilang dalawa kung hindi baka panibagong issue na naman 'to.
Tama si Jimin , Dapat i-enjoy ko ang buhay ko kahit wala si Angela . Mabubuhay naman ako nang wala siya eh . Ang sadyang kailangan ko lang sa kanya ay rason kung bakit niya ko nagawang iwanan lang nang basta-basta. Kapag nasagot na niya yun , alam kong makakamove on na ko nang madali sa kanya. Sa tamang panahon , alam kong babalik siya . Haharapin ko siya sa oras na yun nang buong tapang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
MARCO'S POV :
Tama lang 'tong nangyayari sakin . Kasalanan ko kung bakit nasa panganib parin ang buhay ni Elsie hanggang ngayon . Dahil sakin nasaktan si Elsie , nasira ang buhay niya dahil sa kasakiman ko . Umasa kasi akong pwede ko pa siyang makuha . Akala ko makukuha ko siya kay Jungkook . Sa pagsunod ko kasi kay Elsie nang pasikreto , nakita ko kung paano siya paiyakin ni Jungkook . Mas lumakas ang loob kong kunin siya sa pagpapaiyak ni Jungkook sa kanya.
Masyado kong nagpabaya . Masyado kong umasa na pwede ko pa siyang mabawi . Kasalanan ko kung bakit nawala na siya sakin . Nagkamali ako ng desisyon . Iniwanan ko siya't sinaktan ang damdamin niya . Nahuli na ko ng dating . Hindi na ko ang nasa puso niya at may mahal na siyang iba . Ang masaklap ay hindi ako yun kundi si Jungkook . Napakaswerte ni Jungkook dahil siya ang minahal ni Elsie . Sa ngayon , Nandito ako sa safehouse at nag-iisa . Pumayag naman akong manirahan muna dito pansamantala habang inaalam pa ang maaaring desisyon nila Jungkook at Elsie sa gagawin sakin. Dito ko pinatigil ng Manager ng Bts para daw maiwasan ko ang gulo at kapahamakan.
BINABASA MO ANG
Married To Bts Jungkook
FanfictionUNDER REVISION Kang Seulgi as Elsie Montenegro BTS as Themselves Bae Irene as Janine Smith Date Started: May 24, 2015 Date Completed: December 27, 2015