Chapter 78 - What Hurts The Most

2.3K 75 5
                                    



JIMIN'S POV :



Nang dumating ako sa Pilipinas , Agad ko nang hinanap ang address ng bahay ni Janine . Nahirapan ako pero sa wakas natagpuan ko na rin . Agad kong kinatok ang pintuan ng bahay nila . Pinagbuksan ako ng Daddy niya .


''Sino ka ?" Tanong niya sakin.


''Ka...Kaibigan po ni Janine'' Sagot ko.


''Ahhh...Kaibigan ? Pasensya ka na , Nakaalis na siya papunta ng SoKor . Sayang , Di mo naabutan . 


Kahapon pa siya bumiyahe'' Sagot niya sakin.


''Ganun po ba ? Sige po , Salamat . Bye na po'' Sagot ko sabay lakad paalis .


Ano ? Bumalik na siyang SoKor ? Nahuli ako ! Hindi ko siya naabutan ! Sinasadya ba ng tadhana  . Alam ko na ! Sina Jungkook nga pala .


Agad kong tinawagan sa phone si Jungkook at sumagot naman siya.



ON THE PHONE :



''Hello Jungkook , Si Jimin 'to . Nandito ko sa PIlipinas ngayon . Nasaan ba kayo ?" Tanong ko .


(Huh ?! Ba...Bakit ?) Gulat niyang tanong.


''Gusto kong magtapat kay Janine kaso wala na pala siya kahapon pa'' Sagot ko.


(Oo nga , Sorry di mo siya naabutan . Jimin , Nasaan ka ba ngayon ? Kami na ang pupunta diyan para sunduin ka) Sabi niya sakin.


''Nandito , Sa labas ng bahay ni Janine'' Sagot ko.


(Sige ! Hintayin mo kami diyan , Papunta na kami) Sagot niya sabay end-call.




~ END CALL ~



Habang naghihintay sa pagdating nila Elsie at Jungkook , Pinagmasdan ko ang kapaligiran . Bakit ganito ang nararamdaman ko ? Gulong-gulo ako . Sobrang naiingayan ako sa paligid at sobrang naiirita ako ngayong maayos naman ang kapaligiran . Napaupo ako sa isang bench sa labas ng bahay nila Janine . Nahihiya kasi ako sa parents niya eh . Alam kong may mali sa lahat , Hindi ko lang matanggap . Mabuti na lang at walang nakakakilala saking fans dito dahil halos may edad na ang napapadaan . Mga taong walang interes sa Kpop . Kumusta na kaya si Janine ? Bakit ba kasi nagkaganito ang lahat ? Sayang ! Kung kailan nandito na ko saka naman siya umalis . Sinasadya ng tadhana eh ! Unfair !


Maya-maya pa ay dumating na sila Jungkook at Elsie . Agad nila kong nilapitan at tinabihan .

Married To Bts JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon