Special Chapter : Merry Christmas !

2.2K 53 0
                                    

TITA MIRANDA'S POV :



Napakasaya nang unang araw namin ng bago kong anak na si Marco . Nakakatuwa dahil unang araw pa lang niya sa pamamahay ko dito sa Probinsya ay marami na agad siyang naitulong tulad na lamang ng pagtulong sa pamamahala sa negosyo kong Farm .

''Marco , Huwag kang masyadong magpagod . Di mo naman kailangang gawin yan'' Sabi ko sa kanya na patuloy parin sa pagpapatuka ng mga manok .

''Nanay Miranda , Alam mong gusto kong gawin 'to . Walang pumipilit sakin'' Sabi niya sakin nang di tumitigil sa pagpapatuka ng manok.

''Anak naman , Magpahinga ka naman . Meron namang magtatrabaho para diyan eh . Halika na dito at magmiryenda ka muna'' Sabi ko sa kanya.

''Nanay Miranda , Hayaan mo na ko . Para naman may maitulong ako sayo diba nga magtutulungan tayo para mapalago ang negosyo mo dito sa Farm'' Sabi niya sakin.

''Ang bait talaga ng Anak ko . Hindi ako nagkamali sa pagkupkop sayo'' Sabi ko sa kanya . Ngumiti siya sakin . Talagang mapagkakatiwalaan talaga si Marco . Pinatunayan niya agad na mabuti siyang tao . Noche Buena na mamayang gabi at super saya ko kasi first time kong magkakaroon ng anak na kasama sa pagsecelebrate ng Christmas .

Sayang lang at hindi ko makakasama sina Elsie at ang Kuya Jessie ko dahil nasa South Korea sila . Dito kasi ako masaya , sa Pilipinas . Sa Lugar na kinalakihan ko . Nagmiryenda na kami ni Marco nang magkasama sa maliit na Kubo dito sa Farm . Napansin ko namang natahimik siya.

'Oh Bakit Marco ?" Tanong ko sa kanya.

''Namimiss ko ang parents ko . Sayang lang at wala na sila'' Sagot niya sabay yuko . Agad ko naman siyang tinapik sa balikat .

''Marco , Hayaan mo't ipararamdam ko sayo na buhay pa sila . Magsecelebrate tayo mamayang Gabi . Isipin mo na lang na ako sila . Smile ka na huh . Magluluto ako mamaya'' Sabi ko sa kanya . He smiled at me .

''Salamat Nanay Miranda , Hayaan niyo po . Ipapangako ko na magiging masaya tayo'' Sabi niya sakin.

''By the way , Wala ka ba talagang naiwang pamilya , negosyo o tirahan man lang ?" Tanong ko sa kanya.

''Actually po may bahay kami sa Maynila kaso wala namang ibang tao dun kundi ako na lang . Wala na po kong ibang pamilya eh . Nag-iisang anak lang kasi pareho ang Mom and Dad ko at pumanaw na rin ang iba ko pang kamag-anak'' Sagot niya.

''Sino ngayon ang namamahala sa bahay niyo ?" Tanong ko.

''Wala na po , Ayoko po dun dahil wala akong kasama at wala akong makakausap . Nakakalungkot po dun kahit malaki ang bahay na yun . Wala na pong halaga sakin ang mga mamahaling gamit doon . Wala na rin po ang negosyo ng Mom ko . Napabayaan ko po nang nasa SoKor ako . Nalugi po at Nawala na'' Sagot niya.

''Hayaan mo , Sige . Itong negosyo ko sabay nating palalaguin at aalagaan'' Sabi ko sa kanya . Bigla namang tumayo si Marco.

''Sandali lang po Nanay Miranda , May kukunin lang ako sa Bahay natin'' Sabi niya sakin. Bumalik siya dala-dala ang isang box ng regalo.

''Nanay Miranda , Regalo ko po sa inyo . Sana magustuhan niyo'' Sabi niya sakin . Aww ~ Nakakatouch naman . May regalo ang anak ko sakin. Agad ko nang binuksan ang regalo . Isang maganda at makulay na bistida ang ibinigay niya sakin.

''Wow , Ang ganda nito . Nagustuhan ko . Maraming Salamat Anak'' Sabi ko sabay yakap kay Marco.

''Merry Christmas Nanay'' Sagot niya sakin.

Married To Bts JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon