Chapter 76 - Everytime

2K 70 7
                                    



J-HOPE'S POV :




Kinaumagahan , Nang magising ako ay agad na kong tumambay sa may labas ng dorm at nagpahangin muna . Maya-maya pa ay bigla akong tinawag ni Seokjin na kadadating pa lang sa dorm dahil nanggaling pa siya sa labas para magjogging .

''Hobie , Nakita ko sa labas dun sa gate . May pangalan mo . Para sayo daw tapos walang nakalagay na name nung nagbigay'' Sabi niya sakin sabay abot kaya naman agad ko nang kinuha .

Sino naman ang nagpapabigay sakin nito ? Walang name ? Kung fan 'to dapat may name . Maybe , Fan ? What if Sasaeng Fan tapos may Hidden Camera pala sa loob ? Agad ko nang binuksan ang laman ng box . Isang sulat ang laman ng kahon .

''Jung Hoseok , Kumusta na ? Ang ganda na ng takbo ng career mo ngayon ah . I'm very happy for you . Ipagpatuloy mo lang 'yang kasipagan mo . I'm very proud of you . By the way , I'm very very sorry sa lahat ng nangyari sa nakaraan . Sana maging maayos na ang lahat sa ating dalawa . Hindi ako naghahangad na bumalik tayo sa dati pero sana maging magkaibigan parin tayo . Gusto kong makipagkita sayo ngayong araw na 'to . Miss ko na yung dating Hobie . Sana makapag-usap na tayo nang masinsinan . Maghihintay ako sayo sa Park na dating tinatambayan natin noong mga panahong tayo pa . Salamat , Ako 'to si Angela''

Biglang naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko . Naiinis ako dahil nagparamdam na nga siya . Natutuwa ako dahil magkikita na ulit kami ? No ~ Hindi pwede ! Natatakot ako na baka masaktan na naman ako nang dahil sa kanya ? Natataranta ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin kapag kaharap na siya ? Ayyy basta ! Makikipagkita ba ko ?

''Hobie , Kung ako sayo kausapin mo na nang masinsinan yang Angela na yan hindi yung paemote-emote ka pa'' Sabi ni Namjoon.

''Hala ! Nakikibasa kayo ah ! Tsk !'' Naiinis kong sabi sa kanila kasi nakikibasa pala sila sa likuran ko .

''Hobie naman , Hindi mo matatakasan ang bagay na 'yan . Alam kong darating siya sa tamang panahon para harapin ka at ito na 'yun kaya wag ka nang umarte diyan . Gawin mo na lang ! Wala namang mawawala , Sabi mo wala na siya para sayo kaya okay lang na makipagmeet ka sa kanya'' Sabi naman ni Suga.

''Natatakot ako na baka masaktan na naman ako sa kanya'' Sagot ko.

''Bakit ? Magkikita lang naman kayo ah . So for you , Pakikipagbalikan na yun ? Hobie , Yung totoo ? Nakapagmove on ka na ba talaga sa kanya or pinipilit mo lang ang sarili mo ?" Tanong naman ni Jimin.

''Kasi....Ahhhh......Basta ! Dapat nandito si Jungkook eh , At least sa kanya may makukuha akong matino na advice'' Sabi ko sabay kamot sa ulo.

''Nandito pa naman ako , Lakad na ! Hala ka kapag umalis na siya dun kahihintay'' Sabi naman ni Taehyung.

''Ewan ko , Matapos nang ginawa niya sakin ... Hindi na ko umasang matatanggap ko pa siya . Sa tuwing maaalala ko siya , bumabalik yung sakit ! Iniwanan niya ko eh'' Sabi ko sabay yuko.

''Past na 'yun Hobie , Kalimutan mo na ~ Nasa Present ka ngayon'' Sabi naman ni Seokjin.

''Anong gagawin ko dun ? Kwentuhan kasama siya ? Seriously ? Awkward kaya !'' Sabi ko.

''Eh di bahala ka na , Basta nasa sayo na yan kung makikipagkita ka sa kanya . Hindi ka ba nakucurious kung bakit ka niya iniwanan ?'' Sabi ni Suga.

''Sige na Sige na ! Maliligo lang ako tapos aalis na ko'' Sabi ko sabay pasok sa loob . Agad na kong naligo at nag-ayos ng sarili . Tama ba 'tong gagawin ko ? Ano kaya kung itigil ko na lang 'to ? Siya yung babaeng nanakit sakin eh ! Siya !

Married To Bts JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon