ELSIE'S POV :
Habang naghihintay sa mahabang biyahe dito sa Airplane , Napag-isipan ko at narealized ko lahat ng kalokohan naming nagawa kay Jungkook . Sa totoo lang , Awang-awa na ko sa kanya noong sinabi kong gusto kong umalis nang di siya kasama . Nakakaawa kasi talaga yung expression niya . Na-shocked siya bigla . Gustong-gusto ko nang aminin sa kanya na acting lang 'yun kaso maruruined ang plano namin eh .
Bago pa man kami pumunta dun sa Farm ng kaibigan ni Tita Miranda , Alam ko na lahat ng mangyayari . Plano naming subukin kung hanggang saan ba ang kayang gawin ni Jungkook para sakin . Sinubukan ni Tita kung hanggang saan kayang lumaban ni Jungkook . Kasama naman talaga siya sa pagpunta naming PH eh haha . Noon pa mang nakipag-inuman si Kookie sa kanila , narealized na ni Tita na dapat ngang mas makilala pa niya si Jungkook kaya we planned everything .
Luckily , Hindi siya sumuko sakin . Sinabi niyang susundan niya ko sa Pilipinas . Wew ~ Akala ko bibigay na siya eh haha ! Kasabwat namin ang BTS . Sinabi naming pasiketo nilang iempake ang gamit ni Jungkook kaso nahirapan sila dahil naglalocked ng kwarto si Kookie kaya naman nilito nila at nabigay naman sa kanila yung susi na iniwan ni Kookie . Nag-effort pa talaga si J-Hope na magpahabol ah ! Haha .
Right now , Katabi ko siya dito sa upuan . Tulog na siya . Siguro talagang napagod siya nang sobra sa mga ipinagawa sa kanya ni Tita Miranda . I'll let him rest ~ Kailangan niya yun . I'm thankful na siya ang kasama ko ngayon because he really makes me smile . Pakiramdam ko malaya ako sa tuwing kasama siya .
Makalipas ang maraming oras ng pagbiyahe finally nakabalik na kami sa PH . Agad na kaming bumaba ng airplane at sumailalim sa mga proseso . Matapos ay sumakay na kami ng Arkiladong Van at bumiyahe na kung saan man kami balak dalhin ni Tita Miranda .
''Tita , Saan po ba tayo pansamantalang titira ?" Tanong ko.
''Sa Probinsya kung saan ako nanirahan noong mga panahong pinaalis ako ni Kuya Jessie sa bahay nyo'' Sagot ni Tita sakin.
Napalingon naman ako kay Jungkook na ipinagpatuloy ang tulog niya sa Taxi kasi ginising ko siya kanina eh haha . I looked at him at narealized ko kung gaano ko kaswerte na ako ang nagustuhan niya .
''Tita , Napagod talaga siya'' Sabi ko.
''Actually , Natuwa ako sa determinasyon ng lalaking 'yan . Sa totoo , Nagkadagdag puntos na siya . Malapit na ~ Konting-konti na lang pasado na siya'' Sabi ni Tita sakin sabay smile.
''Tita , Salamat sa patuloy na pagsuporta . Salamat kasi nandiyan ka para i-guide kami'' Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Tita .
''Walang anuman Elsie , Basta makabawi ako sayo'' Sabi niya sakin . Natulog na rin muna ko sa mahabang biyahe . Arkilado na namin 'tong Van na 'to eh haha .
BINABASA MO ANG
Married To Bts Jungkook
FanfictionUNDER REVISION Kang Seulgi as Elsie Montenegro BTS as Themselves Bae Irene as Janine Smith Date Started: May 24, 2015 Date Completed: December 27, 2015