Chapter 86 - Battle For Love

2K 64 4
                                    




ELSIE'S POV :




Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa ginawa ni Jungkook . Magiging masaya ba ko kasi pinaniwalaan niya ko o maiinsulto dahil pinilit niya kong sumama kay Taehyung ? Ano bang binabalak niyang gawin ? Ano naman kaya ang mahalagang bagay na gagawin niya ? Bakit niya pa ko pinasama kay Taehyung pabalik sa Dorm ?


Sa pagbabalik namin ni Taehyung sa Dorm ay agad kaming sinalubong ng members at ni Janine . Agad akong niyakap ni Janine nang mahigpit .


''Elsie , Nag-away na naman ba kayo dahil sa kumakalat na picture mong kayakap si Marco ?" Tanong niya sakin.


''Hindi naman , Pinaniwalaan na ko ni Jungkook'' Sagot ko.


''Talaga ? Mabuti naman ! Akala ko eh pinaiyak ka na naman niya ! Oh , Bakit nga ba nandito ka ngayon at paanong nawala bigla si Taehyung ?" Tanong ni Suga.


''Guys , Pasensya na di ako nakapagpaalam kasi nag-alala talaga ko kanina nang mabasa ko yung articles about kay Elsie kaya naman naglakas loob na lamang akong sumakay sa Taxi para alamin kung nag-away na naman sila'' Sagot ni Taehyung.


''Di ka naman nagsabi para sumama kami , TSK ! Nag-alala rin naman kami nang sobra!'' Sabi ni J-Hope.

''Oh , Nasaan na si Jungkook ?'' Tanong naman ni Namjoon.

''Yun na nga ang problema Guys ! Bigla na lang niya kong pinasama pabalik dito . Ewan ko kung bakit pero sinabi niyang may aasikasuhin lang daw siya'' Sagot ko sabay yuko.

''Ano naman kaya yun ? By the way , Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Marco sa likuran ng palengke ? Bakit kasama mo siya ?'' Tanong ni Janine sakin.

''Janine , I can't believe na hanggang ngayon sinusundan parin ako ni Marco . Akala ko noong nameet natin siya sa dating school natin tumigil na siya yun pala hindi pa . Matagal na nya kong sinusubaybayan at sinusundan . Mala-Stalker na siya ! Hindi ko na alam ang gagawin ko . Gusto niya kong sumama sa kanya !'' Sagot ko.

''Paano naman yung yakap scene ?" Tanong ni Seokjin.

''Wala yun for me , Actually nabigla ako nun kasi bigla niya kong hinila palapit sa kanya sabay yakap sakin nang mahigpit ! Hindi ko rin alam na may mga tao palang nakakita samin noon'' Sabi ko.

''Upakan na natin yung Marco na yun , Naku ! Kung ako si Jungkook , na-hunting ko na si Marco para turuan ng leksyon'' Sabi ni Jimin sabay kunot ng noo.

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Jimin , Upakan ? Hunting ? Di kaya ..... Hindi naman siguro gagawin ni Jungkook yun ! Bigla akong kinabahan sa mga naisip ko . Di pwedeng gawin niya yun !

''What's wrong Elsie ?" Tanong ni Suga sakin.

''Guys , Sa tingin niyo anong pinagkakaabalahan ni Jungkook ngayon after niyang malaman na matagal na kong kinukulit ni Marco ?" Tanong ko sa kanila . Kinakabahan na ko sa isasagot nila sakin .

''Kung ako si Jungkook , Aba ! Eh di hahanapin ko si Marco at bubugbugin ko siya'' Sagot ni Namjoon.

''Jusko , Ganun din naman ako ! Gaganti ako para sa paninira niya ng buhay'' Sagot ni J-Hope.

Married To Bts JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon