Chapter 2 - BTS

9.3K 293 77
                                    

Jungkook's PoV:

My name is Jeon Jungkook, 19 years old. Pito kami sa grupo, ako ang pinakabatang myembro. Tinatawag rin nila akong Golden Maknae.

Sa kabila ng tagumpay namin at kasikatan, magkakasama pa rin kami ng mga ka-grupo ko sa dorm kahit na may kanya-kanya na kaming naipundar.

"Jungkook, ganda ng drawing mo ah. Tumayo ka muna dyan, guluhin natin si Namjoon Hyung." Anyaya sa'kin ni Taehyung Hyung habang abala ako sa pagdodrawing sa sketchpad ko.

"Next time, Bro. Hindi ko pa kasi tapos 'to."

"Please, Jungkook. Mamaya mo na ituloy 'yan, arat." Kulit talaga nitong si Taehyung eh.

"Si Seokjin na nga lang ang mayaya. Wala, nagbago ka na." Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Lah, nagtampo. Natawa rin naman siya nang magkatinginan kaming dalawa.

Bago tuluyang umalis, ginulo niya ang buhok ko sabay takbo nang akma akong gaganti. Tawang-tawa siya sa kalokohan niya eh.

Maya-maya, nakarinig ako ng kung anong nabasag sa kusina. Agad akong huminto sa ginagawa ko't sumilip sa kusina.

"What happened?" Tanong ko.

"Si Namjoon, nakabasag na naman ng plato." Sagot ni Seokjin Hyung.

"Namjoon, be careful next time." Nag-aalalang sabi ko kay Namjoon Hyung na abala sa paglilinis ng nabasag na plato.

"Guys, ako nang bahala dito." Sagot ni Namjoon Hyung. Hindi pa man ako nakakabalik sa pwesto ko, may nabasag na naman.

"Eyyy!" Natatawang sambit ni Seokjin Hyung kay Namjoon Hyung na bahagya ring natawa kaya napakamot-ulo na lang ako.

"Hindi ko sinasadya." Depensa niya sa'min.

"Jimin!" Sigaw ni Namjoon Hyung.

"Why, Bro?" Agad na sumilip si Jimin Hyung sa kusina.

"Let's clean this mess, Jimin. "

"Hala, bakit ako? Haha." Natatawang tanong ni Jimin Hyung kaya napahagalpak nang tawa si Seokjin Hyung sa kanila.

Pasaway talaga 'tong mga 'to. Basta may nabasag na kung ano, si Namjoon Hyung na agad ang unang pumapasok sa isip namin. Madalas siyang makasira o makabasag ng gamit sa dorm namin, pero alam naman namin na 'di niya sinasadya 'yun.

"Help me, Man." Ulit ni Namjoon Hyung.

"Kalat mo, linis mo." Pang-aasar ni Jimin Hyung.

"Jimin, you got no jam." Lalong natawa si Seokjin Hyung sa kanila. Sanay na ako sa mga 'to.

"Ako na, hahaha. Para matapos na ang usapan." Pagbo-volunteer ni Seokjin Hyung.

"Seokjin, ako na ang bahala sa iniluluto mo habang abala ka dyan." Pagpiprisinta ko.

"Ay, goods 'yan. Go, Jungkook."

Bumalik ako sandali sa pwesto upang likumin muna ang pinagkakaabalahan kong sketchpad nang mapansin kong nawawala na ito.

"Lah, nasaan na 'yun?"

Napalingon ako sa isang tabi nang marinig ko ang tawa ni Taehyung Hyung. Ay sus, hawak-hawak niya ang sketchpad ko.

"Hey, that's mine." Bigla siyang nagtatakbo dala-dala ang artwork ko.

Agad akong nagtatakbo palabas ng kwarto upang habulin siya nang matabig ko si J-Hope Hyung.

"Hey, Jungkook. Let's dance." Sumasayaw na naman siya ng Touch my Body by Sistar.

"Later, Hyung." Sagot ko sabay takbo.

Inabutan ko si Taehyung Hyung at tuluyang nakipag-agawan sa kanya.

"Akin na nga 'yan." Medyo naiinis na ako.

"Eto naman, inis agad." Pabirong sabi niya.

"Please, akin na."

"Kunin mo." Pang-iinis niya sa'kin.

"Swag, Bro." Biglang dumating si Suga/Yoongi Hyung. Habang kay Suga nakatingin si Taehyung Hyung, kinuha ko na ang pagkakataon na 'yun para bawiin sa kanya ang artwork ko.

"Gotcha, haha!" Pinitik ko siya sa tenga bago tuluyang tumakbo pabalik sa kwarto.

"Jeon Jungkook!" Asar na sigaw niya.

Tawang-tawa ako nang makabalik ako sa kwarto nang biglang may tumawag sa'kin sa phone.

Dad is calling me.

"Hello, Dad."

"Jungkook, may good news ako. Dumating na siya."

"How many times do I have to tell you, Dad? Tutol ako sa gusto mo."

"Nakakahiya naman kung ngayon ka pa aatras."

"Im sorry, Dad. Kailangan ko nang ibaba 'to."

Agad ko nang tinapos ang tawag dahil alam kong walang patutunguhan ang pagtatalo namin sa bagay na 'yun. Hindi ko in-expect na tototohanin nila 'yun.

▪️▪️▪️

Married To Bts JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon