Chapter 80 - Still Awkward ?

2K 70 3
                                    



JUNGKOOK'S POV :




Nang dumating na kami sa bagong bahay na titirahan sana namin noon pa ay agad na naming inilabas ang lahat ng gamit namin sabay pasok sa loob ng bahay na malaki at maganda .

''Jungkook , Maging mabuti ka sa wife mo'' Sabi ng Dad ko sakin.

''Tama ! Kukutusan kita kapag pinaiyak mo pa yan'' Sabi naman ng Dad ni Elsie kaya napatawa kaming lahat.

''Promise ko po na aalagaan ko siya at papasayahin'' Sagot ko sabay smile.

''Maraming salamat naman kung ganun'' Sabi ng Mom ni Elsie.

''So paano ? Okay na kayo dito . Makakaalis na kami'' Sabi ni Mom.

''AGAD AGAD ?!'' Sabay naming tanong ni Elsie.

''Oo naman , Bro ! Oras naman para sa inyong dalawa para masanay kayo'' Sambit ni Suga sabay ngiti sakin.

''Tama si Suga , Aalis na rin kami . Basta , Nandito lang kami pag may problema . Bibisita na lang ulit kami'' Sabi ni Janine samin.

''So Paano ? Bye na ah . Kayo na ni Elsie ang bahala dito !'' Sabi ni Dad sabay lakad palabas .

''Saka nga pala , marami nang pagkain diyan ah di kayo magugutom at saka merong palengke malapit dito'' Sabi ng Mom ko.

''Si...Sige po ,Ingat po kayong lahat . Salamat'' Sabi ni Elsie sabay yakap sa kanilang lahat . I smiled at Suga . Mamimiss ko rin kasi ang mga kaibigan ko eh . 

Nang umalis na ang Van na sinasakyan nila at naiwan na kami ni Elsie nang mag-isa ay napansin kong tila naiilang pa siya kahit ako naman. She looked down as I looked at her .

''Elsie , Don't Worry . Masasanay din tayo'' Sabi ko sa kanya kaya tumango na lang siya sakin sabay pasok sa loob ng bahay . Agad ko naman siyang sinundan . Nagpunta siya sa Living Room at nagbukas ng TV para manood . Tinabihan ko sya kaso lumipat siya ng pwesto sa kabilang Sofa.

Hinayaan ko na lang kasi alam ko namang naiilang pa siya pero sana maging komportable na rin siya sa lalong madaling panahon . Kailangan kong gumawa ng paraan para ma-entertain siya . Ah ! Alam ko na !

''Elsie , Manood ka lang diyan ah . Magluluto ako ng piniriting itlog para satin saka ng maiinom'' Sabi ko sa kanya kaya tumango lamang siya . Talagang nagmadali ako para di siya mainip . Matapos ang pagluluto ay bumalik na ko sa tabi niya sa Living Room .

''Food is ready'' Sambit ko dala ang tray ng foods na niluto ko.

''SALAMAT'' Matipid niyang sagot sabay focus ulit sa TV . Sa totoo , nagexpect ako ng mas maraming sagot mula sa kanya . Mukha talagang naninibago siya sakin eh . Di bale na , kaya ko 'to . Matapos kumain ay nagdesisyon akong ayusin ang bahay at linisin 'to .

''Kailangan mo ng tulong ?" Tanong niya.

''Sige ba , Salamat'' Sagot ko sabay ngiti sa kanya.

''Pasensya ka na kasi naninibago ko'' Sagot niya habang tinutulungan akong maglinis ng bahay .

''Okay lang , kahit ako rin naman . Masyado kasing tahimik eh haha'' Sagot ko .

''Alam ko na'' Sabi niya sakin sabay patugtog ng malakas na music .

Married To Bts JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon