JANINE'S POV :
Mas kinabahan kaming lahat nang maging alerto ang doctor at mga nurse dahil may nangyayari kay Elsie . Nakasilip kami sa may salaming bintana habang gumagawa ng paraan ang mga doctor . Mukhang tumitigil sa paghinga ang bestfriend ko . Mukhang kailangan niya talaga ng tulong namin dahil maraming dugo ang nawala sa katawan niya . Sinabi ng doctor na nadiagnosed siya ng WHIPLASH kung saan naging malakas ang impact ng pagkakauntog ng ulo niya dahil sa car accident na nangyari . Nalaman din naming nasugatan siya sa kanyang balikat kaya naman mas nag-alala kaming lahat . Malala daw ang pagkakaaksidente niya kaya kailangan ng maraming treatment tulad ng Physical Therapy , Traction , Massage , CT Scan , Ultrasound at Injection sa oras na magkamalay na siya .
Agad na tinakpan ng Nurse ng kurtina ang salamin kaya naman naupo na lamang ulit kami sa Waiting Area . Hindi ko napigilang maluha nang maalala ko lahat ng masasayang ala-ala namin ni Elsie . Yung mga panahong bata pa kami at isa't isa lamang ang kakampi namin . Kaming dalawa lang ang magtatanggol sa isa't isa .
Sa tuwing may aapi sa kanya , ako ang nagtatanggol sa kanya at sa tuwing ako naman ang naaapi , siya naman ang tumutulong sakin . Sa bawat laban , kasama namin ang isa't isa kaya hindi ko kakayanin kapag nawala ang bestfriend ko . Sa katunayan , mas matanda ako sa kanya ng isang taon kaya naman ako madalas ang nagtatanggol sa kanya . Nung 8 years old ako at 7 years old pa lang siya , madalas kaming napapasok sa gulo tulad ng mga memories na hinahabol kami ng aso dahil sa kalokohan ni Elsie na pumasok sa bakuran ng kapitbahay para lang pumitas ng bulaklak .Meron din namang ala-ala na muntikan na siyang malunod sa Swimming Pool nang mag-outing nang magkasama ang parents namin noon kasama kami . Bigla siyang tumalon sa Swimming Pool kahit na hindi siya marunong . Ewan ko ba sa naiisip ng bestfriend ko noong bata pa kami kaya ayun pandalas na siyang sinagip ng Daddy ko . Mabuti at sandali lang yun .
Close na close ang parents namin simula pa nung magkaisip na kami . Hindi namin alam kung paano sila nagkakilala basta alam lang namin ay magbebestfriend sila noong wala pa kami . Mukhang may dinadamdam si Mrs. Montenegro . Saan kaya siya dinala ni Mr.Montenegro ? Agad muna kong umalis sa Waiting Area at pumunta sa Chapel ng Hospital para magdasal ngunit nakita ko sina Mr. and Mrs. Montenegro na may pinag-uusapan .
Aksidente kong narinig ang pinaguusapan nila kaya naman natigil muna ko para alamin kung ano ba ang pinag-uusapan nila . Narinig ko kasing may pinag-uusapan sila about kay Elsie .
''Hindi makakabuti kay Elsie kapag sinabi natin , Wag na !'' Sambit ng Mom ni Elsie sa Dad ni Elsie.
''What are saying ?! Mas hindi makakabuti kay Elsie kapag nalaman niya 'yang pinagdaraanan mo ! Kahit anong mangyari , dapat na malaman niya nang sa ganun malaman niya agad'' Sagot ni Mr.Montenegro.
''Wag na wag mong gagawin 'yan ! Mas makakabuti kung ilihim na lang natin 'to . Ayokong maging malungkot siya para sakin . Gusto kong maging masaya siya hangga't naririto pa ko'' Sagot ni Mrs.Montenegro.
Ano bang sinasabi ni Mrs.Montenegro ? Aalis ba siya ? Saan kaya siya pupunta ?
''Ang tagal na niyang sakit mo sa puso ! Kailangan nang maagapan yan'' Naluluhang sabi ni Mr. Montenegro.
''Wala na tayong magagawa ! Malala na ang sakit ko ! Nanghihina na ang katawan ko pero kahit ganun gagawin ko ang lahat mapanatili lamang na sikreto ang sakit ko ! Ayokong umiyak si Elsie ! Ayoko ! Mangako ka sakin , nangako na ang kapatid mong si Miranda na hindi sasabihin kay Elsie 'to . Ang gusto ko lang alagaan niyo siya sa oras na mawala na ko . Sa oras na mawala ako , nakahanda na ang pinag-ipunan kong pera para sa pangangailangan ni Elsie . Inipon ko yun nang iwanan ko kayo noon . Kahit papaano , may naitulong ako sa anak ko kahit na ang dami kong naging pagkukulang sa kanya.'' Sabi ni Mrs.Montenegro kaya naman nagulat ako sa mga narinig ko.
BINABASA MO ANG
Married To Bts Jungkook
FanfictionUNDER REVISION Kang Seulgi as Elsie Montenegro BTS as Themselves Bae Irene as Janine Smith Date Started: May 24, 2015 Date Completed: December 27, 2015