Be ready

1K 31 0
                                    

"Oh kamusta pagiging teenager nak!"

Napatingin naman ako kay mama. . Nandito na ako sa bahay ngayon kakauwi lang. .

Pumunta naman ako sa hapag. .

"Ah okay lang po ma, masaya.."

Masaya daw? Eh wala nga akong masyadong kaibigan dahil sa sobrang mahiyain. . Si irish lang naman kaibigan ko na pinakamalapit sa akin eh, ten years na kaming magkaibigan. .

"Ang bilis talaga ng panahon oo. . . Fifteen ka na aga at mawa. . "

Naputol naman siya sa pagsasalita at di na niya tinuloy. Nacurious ako sa expression niya kasi bigla siyang nalungkot at parang may sekreto siyang di masabi sabi sa akin (?)

"Ano po sasabihin niyo?" Tanong ko.

"Ah wala , di yun importante nak"

Kung di importante eh bakit parang ang laki ng pinoproblema niya?

May nakita naman akong nakasilip sa bintana. .

.
.
.
Pula! Pula ang mga mata niya! Nanginginig ulit yung kamay ko at nakahawak na naman ako sa palda ko. . Napatingin ako kay mama at parang may nararamdaman din siyang tao na nakatingin sa amin kahit di siya nakatingin sa may bintana. Biglang sumeryoso yung mukha niya.

"Pasok ka sa kwarto" kinilabutan ako sa boses ni mama.

Parang gusto kong kumapit na rin sa kanya any time dahil sa may nakukutob ako na di ko alam kung ano. .

Tumayo siya sa upuan niya at napatayo din ako. . .niligpit niya yung mga pinagkainan namin at pumunta ng kusina.

"Ma, ano pong gusto niyong sabihin?"

"Wala"

"Ma, may lalaki pong sunod nang sunod sa akin at ako lang ang nakakakita sa kanya. Ma!"

Parang nagrambulan yung utak ko nung sinabi ko yun sa kanya . Ni di ko nga alam kung papaniwalaan niya ako eh. . Ikaw ba naman ang sundan ng di mo kakilala at sobrang mysterious pa , di mo sasabihin sa nanay mo?

Naguguluhan nga ako eh. .nung una sulat lang na 'be ready' yung natanggap ko pero ngayon parang nagkakatotoo nga na dapat akong magready.

Parang di si mama yung kasama ko ngayon? Ibang iba siya na nagsasalita. .

"Ma,!"

Napatigil naman si mama at humarap sa akin saka hinawaka ang left shoulder ko.

"You'll know everything at the right time"

Naguluhan naman ako sa sinabi niya . . Anong 'everything' pinagsasabi niya?

So may tinatago nga siya?

Bakit ba kasi di niya pa sabihin eh alam naman niyang ayoko sa mga thrill eh! Napepressure kasi ako...

Pinapasok niya naman ako sa kwarto ko at napatingin ako sa kama ko.

Nandun na yung mga sketches ko niligpit siguro ni mama. Kinuha ko yun para ilagay na sa mga compilation ko ng mga sketches ko sa cabinet pero biglang nahulog yung isang sketch ko. .

Pinulot ko naman yun at nakita ko yung first kung naisketch ko nung nagfifteen ako. .

Isa yung puno. Green na green na puno at sadyang napakalaki.

Yun yung nahulog na sketch ko. .

Pinulot ko yun at nilagay sa mesa saka yung iba ko pang drawings.

Ang weird lang kasi lahat ata ng sketches ko ngayong fifteen na ako eh mga napanaginipan ko.

Tumahol-tahol naman si lyndon kaya lumabas ako ng kwarto para patigilin siya pero ayaw pa rin eh.

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon