Eronia

246 13 0
                                        

Tinitigan ko lang ang kwentas kong ibinalik sa akin ni AKi. Naiiyak ako at ngayon pa lang namimiss ko na sila, gusto kong bumalik at yakapin sila.

Naiiyak-iyak akong suminghap at muling sumilip sa bintana makaraan ang ilang minuto.

Di ko na nakikita ang malaking gate ng Okugi sa gitna ng kagubatan at ngayon ay nandito na kami sa may bandang kalsada. Di ko nga alam eh kung paano nakapasok ang sasakyang ito sa loob ng gubat, siguro pumasok din sila sa portal. Lumiko ang sasakyan sa isang masikip na iskinita at dito ay may nagform na malaking blue portal at may liwanag na nanggagaling sa loob.

Dahan-dahang pumapasok ang sasakyan at nang makapasok ang kalahating parte ng sasakyan ay natanaw ko na sa unahan ang panibagong kalsada na naman ngunit parang nasa ibang lugar na ang parteng iyon, tumingin ako sa likuran ko at nakikita ko parin ang iskinita. Parang nahati ang paningin ko sa dalawa.

Naramdaman kong nasara na ang portal at nagpatuloy sa pagmamaniho yung driver.

Napatingin naman ako sa frontseat kung nasaan si Sir Gate, ang head ng Eronia. Parang normal lang siyang tao pagtitignan mo siya, pero yung pakiramdam kapag nandiyan siya ay parang nakakakaba na talagang alam na alam mong malakas siya. Maamo yung mukha niya, kulay abo yung mata niya at malinis ang pagkakagupit ng buhok. Tumingin ito sa akin sa nasa harap na salamin na para bang sinusuri ang aking itsura, saka ito nagtanong.

"Akari ano nga ba ang lineage mo?" Aniya kaya naman bigla akong kinabahan dahil sa kanyang boses.

"Li-ght po." Agad at nabubulol kong sagot.

We don't consider Peculiar as a lineage in Okugi because it is a family in where outstanding students from different lineages with different powers belong.

"Bakit di parin nagbabago ang kulay ng iyong mata? Nakasagupa ka na ba ng kyuuketsuki?" Tanong uli nito na para bang nagdududa.

Para naman akong mahihiwalay sa katawan ko dahil kahit na sa simpleng tanong niya lang parang pinapatay na ako sa kaba, di ko alam kung bakit gayong wala naman akong tinatago.

"O-opo."

Di ako tanga para di maintindihan ang ibig niyang sabihin. Minsan nang nabanggit sa akin ni Chise o ni Akahana o talagang nabasa ko iyon sa libro di ko matandaan, sa pagkakaalam ko ang kulay ng mata mo ang magsasabi kung malakas ka na at lalakas ka lang sa pamamagitan ng pakikipaglaban at mga trainings. Walang stages ang kulay ng mga mata ng dreamers lilitaw lang ito kung talagang malakas ka na kaya naman sa stage kong ito di ko maindicate kung anong level na ako.

Siguro iniisip ni Sir Gate na mahina parin ako dahil di pa nagbabago ang kulay ng mata ko.

Kumunot ang noo nito at tumawa.

"Di ko sinabing mahina ka! Tinatanong lang kita!" Saka ito tumawa nang malakas. Nahiya naman ako, oo nga naman Akari. Nakalimutan mo na bang lumulutang ang mga thoughts mo?

"Walang duda, anak ka nga talaga niya!" Aniya sa mahinang boses pero narinig ko parin ito. Magtatanong pa sana ako nang biglang huminto ang sasakyan at nagsalita si Sir Gate.

"Nandito na tayo!" Agad naman akong bumaba ng sasakyan.

Napanganga ako sa aking nakita, nakatunganga lang ako sa harap ng isang mahabang bridge na gawa sa hangin?

Para itong ulap sa harapan namin. Ulap na nagdudugtong mula rito papunta sa isang malaking gate sa dulo na kumikinang sa mga ilaw na nakapalibot dito. Mahaba at malawak itong pathway.

Nakatunganga lang ako habang lumilipadlipad ang mga hibla ng aking buhok, at ngayon ko lang namalayan na giniginaw na pala ako dahil nandito kami sa gitna ng dagat.

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon