Lahat ng pwersa namin ay nagpapalitan, kunti nalang ang mga elites niya.
At ngayon, siya naman ang isusunod ko.
I extended my sight para agad siyang mahanap.
Sobrang tagal na ng bakbakan namin, puno ang paligid ng dugo, mga bangkay at ang hangin na sobrang lamig ay para bang sinasabi na pwedeng wala na kaming balikan.
Ito na ito, at dapat manalo ako.
Binilisan ko ang takbo ko papunta kay Sakura at tila natinigan niya ito kaya binilisan niya rin ang paggalaw niya.
Hinabol ko siya at napunta kami sa gitna ng field nang biglang may naramdaman akong kirot sa kaliwa kong paa.
Sobrang sakit nito at parang pinapatay ako.
Ito iyon, ginagamit niya ang kakayanan niya, na sa titig pa lang niya nasasaktan ako at parang mamatay na ako. Bumagal ang pagtakbo ko at napatingin ako sa binti ko, dumudugo ito.
I threw my gaze at her at gaya ng ginagawa niya sa akin ay ganun din ang ginawa ko. With my gaze I can kill her.
Sa di kalayuan nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon niya at dumudugo na rin ang leeg niya kung saan ko siya pinuntirya.
Her bloody red eyes, those were dangerous.
This place was stained by blood, it was where danger once took placed.
This is the war I have to end!
Nang bigla nalang may narinig akong boses, di iyon kalayuan kaya napalingon agad ako.
"Emi, naging pula ang mata mo!" Iyon ang narinig ko at nang sabihin iyon ni Chise ay napaatras ako bigla.
Galing sa portal na binuksan niya mula sa basement ay lumabas siya.
Later did I realize na nagkamali siya ng pagbukas.
Malapit siya kay Sakura.
Huli na ang lahat nang macontrol siya ni Sakura.
Bigla akong huminto nung itinaas siya ni Sakura sa himpapawid na may kataasan.
"Chise! Hindi!"
"Bitiwan mo ko! Emi!" Her voice was cracking and it cracks my heart too.
"Put her down!" I insisted.
"What? Did you just insist to kill her?" Aniya sabay tawa pa, punong-puno ng lagim ang boses niya at sobrang lakas nito na para bang di kami malayo sa isa't-isa.
Mula sa itaas naririnig ko ang sigaw ni Chise, pahinay-hinay ay binabali niya ang buto nito sa kanang binti niya at naririnig ko ang bawat pagcrack nito.
Wala na akong lakas, parang bibigay na ako.
"Sakura!" Muli kong sigaw nang dumapo ang tingin niya sa akin at muli akong nakaramdam ng kirot, and this time ay sa dibdib ko na. Parang may kung anong itinatarak dito dahilan para mapasigaw ako sa sakit, tuluyan na akong napadapa sa lupa mula sa pagkakaluhod, sobrang sakit, parang mamamatay ako.
Hinahampas ng hangin ang buhok ko, sobrang sakit... at massumakit pa ito nung marinig ko ang boses ni Chise sa ulo ko.
'Emi, so--sorry...' sa sinabi niyang iyon ay lumandas sa pisngi ko ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
Yung sakit, parang wala siya kung ikokompara sa sakit na makita ko ang kaibigan ko ngayon sa ganitong sitwasyon.
Mula noon hanggang nakatapak na ako sa paaralang ito, nandiyan siya, lahat ng mga pinagsamahan namin, yung halakhak niya, yung ngiti niya at yung luha niya... lahat ng iyon nakita ko na, mamimiss ko iyon. Nung mga oras na napagkatuwaan namin ang langgam, nung nabasag ang salamin ko, nung mga panahon na napatawag kami sa faculty, nung laging kaming kumakain ng shake at laging kulay green ang pinipili kong kula, nung panahon na nalaman kong siya pala si Irish, lahat ng iyon mamimiss ko iyon...
'Irish'
'Emerald'
Kasabay nung pagsambit niya ay ang paghulog ng mga luha ko sa lupa, inipon ko lahat ng natitira kong lakas, malabo na ang paningin ko...
Di ko na klaro ang mga pangyayari at ang huli kong narinig bago ko binitawan ang pwersa ko at ang pagsigaw ko ay ang boses ni Irish.
'Emerald'
Kasabay nun ay ang paglabas ng itim na usok mula sa aking kanang palad na nakatapat kay Sakura na unti-unting lumamon sa sinag ng buwan at sumabay doon ang malakas at mabilis na pagtama ng lightning kung saan siya nakatayo.
The lightning and the dark smoke, all of it happened under the light of the moon, wala akong matandaan.
Wala akong matandaan...
Kundi ang malakas na pagsabog pagkatapos noon, sobrang lakas na lumampas pa sa area ng Okugi ang pwersa.
May sumabog.
Wala akong maalala...
--
I blinked, it was too dark...
I blink again, and there it is I've seen that light, that single light.
Sobrang sakit ng katawan ko, nilibot ko ang paningin ko at mga bangkay ang nakita ko, dugo at may kung anumang nahuhulog na mga itim na papel galing sa itaas.
Mula sa pagkakahiga ko sa lupa ay dahan-dahan akong bumangon.
Nakatayo lang ako sa kinaruruonan ko habang iwinawasiwas ng hangin ang buhok ko, habang pinagmamasdan ko ang pagsinag ng araw ngayong madaling araw.
Tahimik. Walang ingay.
Pinagmasdan ko ang paghulog ng mga itim na parang papel mula sa himpapawid hanggang dumampi ito sa lupa.
Huminga ako at ipinikit ang mga mata ko...
"Tapos na."
Wala na, tapos na. Tapos na ang labang ito at kami ang nanalo.
Mula sa pagkakasarado ng mga mata ko ay bigla akong napamulat nang may biglang sumira sa katahimikan dahil sa pag ubo nito ng tatlong beses.
Agad kong hinanap kung sino ang umuubo.
At nung nakita ko kung sino, biglang namuo ang luha sa gilid ng mata ko at pumintang muli ang ngiti ko sa labi ko...
Tumakbo ako palapit sa kanya...
"Irish!"
***
BINABASA MO ANG
Dream Passage (Completed)
FantasíaAt night I always dreamt things. I knowethere's something in there, a mystery. So I woke up and I'm going to find it.