Prediction

220 10 0
                                    

I blink... everything is blur..
I blink again... everything's still not so clear...

Kinuso-kuso ko ang dalawa kong mata at napagtanto kong dito lang pala ako sa lamesa nakatulog.

Napatingin ako sa aking mga daliri nang matapos ko nang makuso ang aking mga mata.

Bakit ang iitim ng mga daliri ko?
It's like parang nagdrawing ako dahil mukhang dahil sa charcoal kaya ang iitim ng mga daliri ko.

Napako ang paningin ko sa mesa nang makita ang ilang drawings .... ko?

Paanong?

Wala akong naaalalang nagdrawing ako kagabi!
Wala akong naaalala, maliban na lang sa nangyari kanina?

Nangyari kahapon?

Kailan nga ba nangyari yun?

Ano nga bang nangyari kanina?
Totoo bang may nangyaring imitation?

Why is this happening?
Parang nangyari na ito..

Nung nanaginip ako tungkol sa Okugi High bago pa ako napunta dito.

Napatingin ako sa aking mga ine-sketch at sinuri ang mga ito.

Ako ba talaga nag drawing ng mga ito?

Bakit ko ito idudrawing kung tulog ako?

"Guys! She's awake!" Isang pamilyar na boses ang aking narinig kaya napalinga ako sa aking likuran.

Si Akahana...

"Ate!"

"Emi!"

Salubong sa akin nina Athena, Cisca at Arieze na nakangiti.

"What happened?" Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang tatlo at napako ang aking tingin kay Athena.

She was in my dream...

I saw her imitation..

I saw her as an enemy..

"Di nga namin alam, bigla kana lang pumunta diyan sa mesa at nagdrawing." Ani Cisca.

"Nabigla pa ng kami nang makita ka namang nagd-drawing na nakapikit... parang tulog?" Dugtong ni Athena.

"Di ba umiyak ka kagabi Arieze?" I asked at tumango naman ito.

"Di ba ako lumabas kagabi para kumuha ng tubig?" Tanong ko.

Ang gulo..

"Hindi. Bakit?" Sagot ni Arieze.

ang gulo! Anong nangyayari?

Bakit ganito? Di ko maintindihan! Bakit nakakapagdrawing ako kahit tulog at ni di ko man matandaan ang mga ginawa ko?

May komo-control ba sa akin? Pero sino?
Paano?

Umalis ako sa aking kinauupuan at nagpaikot-ikot.

"It was your prediction." Seryosong wari ni Cisca kaya napabaling ako sa kanya.

She's looking at my sketch.

"It's me!" Ani naman ng walang alam na si Athena at ngumiti pa nang makitang nasa drawing ko siya.

"Prediction? Ano 'to? Di ko maintindihan!" Saka ko ihinilamos ang mga kamay ko sa aking mukha at naupo sa kama.

"Irish can do it also Emerald!" At ngumiti ito sa akin.

"Huh?" Di ko talaga maintindihan.

"Kaya lang pagnagpepredict si Irish her eyes turns to gray pero ikaw kapag nagpepredict ka nakapikit ka at idinudrawing mo ang mga nakikita mo sa panaginip mo." May parte sa sinabi ni Cisca ang naiintindihan ko.

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon