"Dapat ka nang gumising ari"
Bakit nandito ulit ako? At bakit kasama ko si yuina? Ano bang meron sa akin? Panaginip lang ang lahat?
"Nasaan ba ako?" Tanong ko.
"Sa pinanggalingan at kinabibilangan mo" saka ngumiti naman siya. Nandito kami ngayon sa isang fountain ng isang skwelahan at ngayon ko din napagtanto na hindi pala village to nung unang napanaginipan ko ito.
Nasa kalagitnaan ng entrance ang fountain na 'to sa pagpasok pa lang sa gate ay sadyang nakakaagaw pansin ito sapagkat ang tubig sa fountain na ito ay kumikinang na parang glitters na kulay blue.
Mula dito sa center ay may path way papunta sa gate na parang tubig lang kapag iyong inapakan ngunit di nababasa ang iyong mga talampakan.
Nagkakaroon lang ng ripples ang path na iyon kapag ikay naglalakad roon, sa gilid naman ng path way ay may mga fountain din nasunod sunod at maliliit ngunit ang tubig na dumadaloy dito ay hindi bumabagsak bagkus ito'y pumupunta sa itaas at nagfoform ng isang curve roof sa entrance. Para siyang naging covered path way dahil sa curve water na parang roof.
"Kinabibilangan?" Tumango lang siya at ngumiti sa akin.
"Alam mo kong paano pumunta dito.Sa tamang panahon"
Teka sandali lang! Di ko maintindihan! Magsasalita pa sana ako pero bigla na lang nagliwanag ang lahat at ang tanging alam ko lang ay nagising ako at di ko alam kong kaninong kwarto ito.
"Nasaan ako?" Kinatok ko ang ulo ko. Ang naaalala ko ay yung may kasama akong dalawang tao yung isa ay izo at si maam gonzaga naman yung isa na tawagin ko daw na Ms. Era. Pero asaan na sila?
Tumayo ako sa kama at binuksa ang pinto para lumabas ng silid.
Teka? Nasa kina irish ba ako? Eh bahay nila to ah?
"Irish?" Walang sumasagot sa akin
Nakailang tawag na ako pero wala pa ring sumasagot.
Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan si irish nang may nakapa akong parang papel.
Kinuha ko iyon.
"Si mama! Ito yung sulat na binasa kanina ni mama! Si mama!"
Tatakbo na sana ako palabas pero parang penupwersa ako ng kamay ko na buksan ang sulat na iyon.
Binasa ko iyon.
"Panahon na para malaman ng anak mo na hindi siya pangkaraniwan. Kahit anong gawin mo kaida ay malalaman at malalaman din niya kung sino at ano siya. Poprotektahan namin siya at lagi kaming nasalikod ninyo kung sakaling sugudin kayo ng mga kyuuketsuki. Your daughter will find the clues cause she's one of us."
-izoDi ko maintindihan. Masgumulo ang utak ko. Panaginip lang ba'to? Parang kanina lang magkasama pa kami ni mama at may biglang sumugod sa aming dalawang lalaking nakaitim na may hood at ang isa sa kanila akinawa ang pangalan sa pagkakarinig ko mula kay sir izo.
Nasaan sila ni sir izo? Si maam gonzaga? Bakit di man lang nila nilinaw ang lahat. And for almost fifteen years nilihim ni mama ang pagkatao ko.
Sino ba ako? At ano ba ako? Bakit lagi akong nananaginip ng mga bagay na nagkakatotoo? Kamakaylan lang nanaginip ako kay Yuina. lagi kong nakikita ang kulay green at number 3 sa panaginip ko. Clue ba ang mga iyon para makilala ko ang totoong identity ko? Gaya ng sabi ni sir izo na malalaman ko rin ang mga clues.? Anong clues? Nakakakita naman ako ng lalaking nakablack jacket na invisible sa paningin ng iba.
BINABASA MO ANG
Dream Passage (Completed)
FantasíaAt night I always dreamt things. I knowethere's something in there, a mystery. So I woke up and I'm going to find it.