The Bullied One

238 10 0
                                    

"Class dismiss." Bitiw ni maam Felicia at agad namang nagsitayuan ang aking mga kaklase.

Napatingin ako kay Inigo na nagmamadaling binuhat ang kanyang mga libro at nagmamadaling tumakbo palabas ng room.

Hinabol ko ito, kinuha ko ang lahat ng gamit ko saka tumakbo palabas , pero nang makalabas ako ay di ko na siya nakita. Iginala ko pa ang paningin ko, baka sakaling mahagip siya ng paningin ko.

Lumingon ako sa kanan pero wala, sa kaliwa, wala parin.

"Ate!" Napalingon ako sa kung sino ang tumawag at nakita kong tumatakbo papunta sa akin si Athena at nakangiti, napangiti naman ako.

Sabay kaming pumunta sa classroom ni Irish pero wala nang tao roon.

Naupo na lang kami sa mga bleachers dito sa may corridor, malawak kasi yung corridor namin. At sa may bintana kami pumwesto.

"Kamusta ang klase niyo?" Tanong ko at ngumiti kay Athena.

Pero sumimangot ito.

"Boring Ate eh!" Saka nangalumbaba.

Ngayon ko lang ito nakita na wala sa mood, bakit kiya?

Alam ko namang di ito sasagot kapag tinanong ko.

Binasa ko na lang ang mga thoughts nito na kanina pa pasyal nang pasyal sa hangin.

"Kakainis! Bakit nasaclassroom ko si Yukio!? Dapat 4th year na siya! May pakindat-kindat pa siyang nalalaman! Mukha niya!"

Natawa ako sa aking nabasa kaya naman agad ko itong pinigilan at tumingin ako sa bintana.

Ang lawak nitong school namin pero mas malawak ang Okugi.

"Hay naku! Nandito lang pala kayo!" Napadungaw kaming dalawa sa kakarating lang na si Irish. May dala-dala itong mga pagkain , soft drinks, burgers , fries at kung ano-ano pa. Sanay na ako, ganito naman 'to lagi eh!

Umupo ito sa aking harapan , magkatabi sila ni Athena.

Nilantak ko na yung fries na ibinigay niya, since nagugutom ako at bawal tanggihan ang grasya!

"Nasaan na kaya sila ngayon?" Tanong ni Irish sa aming dalawa sa mahinang boses.

"Ewan ko. Bakit?" Pabalik kong tanong sa kanya.

Nagkibit balikat lang ito at kinain na yung burger niya.

Tinitigan ko ito nang maayos, para kasing may kakaiba eh..

Parang may di ito sinasabi!

"Emi, tigilan mo nga ako sa mga titig na 'yan!" An'ya at namula ang pisngi niya.

Nagkatinginan kami ni Athena at tumawa.

"Tumigil nga kayo! Sipain ko kayong dalawa eh!" Pagdadabog pa nito at mas pumula pa yung pisngi saka nakataas yung isang kilay na parang nagpipigil tumawa.

"Ayiiee! Ano yan ha?" Pangungutya ko sa kanya.

"Anong ano? .. wala noh..!" Pagdedepensa naman niya.

"Oii, baka naman ate Emerald ay may namimiss si Ate Irish!" Dugtong pa ni Athena at kiniliti ang katabi.

"Naku Athena ha! Huwag! Nakikiliti ako!!" Giit niya habang nakikiliti.

"Baka namimiss si kuya Genji!" Dugtong ni Athena sa hangin para walang makarinig ng pinag uusapan namin.

"Charles Franco!" Nahinto kaming tatlo sa narinig na pangalan at napatingin kung saan galing ang boses.

Galing ito sa likuran nina Irish na may ilang hakbang ang layo sa aming table at nakatingin yung lalaki na may hawak na bola at nakapang basketball ang porma dito sa mesa namin.

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon