Truth

232 10 0
                                    

"Bilis na! Buhusan mo na ng tubig!" Natatarantang pagmamakaawa ni Chise kay Daika.

"Ito na! ito na!!!" Saka nag exert ng energy si Daika para mabuhusan ng tubig ang nag aapoy sa galit na si Akahana.

At talagang nag-aapoy si Akahana na daig mo pang maluluto ka kapag tumabi ka.

Tumakbo na kami ni Kaida tsaka magkahawak kamay namang tumatakbo sina Yuina at Chise.

Si Daika naman paatras-atras na nageexert ng tubig..

Yung tubig niya ay direkta niyang pinapatama kay Akahana kami naman ay nakalabas na ng building at patuloy paring tumatakbo.

Si Chise naman ay tawa parin nang tawa.

Imbis nga na tumakbo siya ay pinaglalaruan pa yung mga ripples na nabubuo kapag humahakbang siya sa whole way.

Nalampasan na namin siya sa pagtakbo at siya ang pinuntirya ni Akahana dahil tatawa-tawa siya..

Ewan ko ba diyan di ko maintindihan!! Parang second version ni Irish, may topak kasi!

"Hoyy bilis na Chise!" Sigaw ni Yuina sa kanya at inilahad ang kanyang kamay..

"Oo ito na!" Aniya sa natatawang tuno.

Napatingin ako kay Akahana, galit na galit parin siya. Ewan ko kung anong ikinakagalit niya, yung lipstick sa mukha niya o yung natumba sila ni Hajime. Di ko namalayang napahinto na pala ako sa pagtakbo.

"I hate both of it!" Sigaw ni Akahana and I think binasa na niya naman amg thoughts ko sa hangin at tumingin ito sa direksyon ko habang nangingilid ang luha nito pero namumula ang pisngi na parang kinikilig?

Ibinaling ko naman ang paningin ko kina Chise at Yuina.

Tatawa-tawa parin si Chise habang tumatakbo , si Yuina naman ay inis na inis na.

Nang bigla na lang nagslow motion ang lahat ng bagay sa paligid ko at natatanaw kong babagsak si Chise sa whole way at pati reaksyon ko ay ang bagal, na di ko magawang mag exert ng shield para maprotektahan siya.

Everything went slow, slowly and slowly then went fast,

"Ate!" Sigaw ni Kaida habang nakatingin kay Chise.

Lahat kami ay di nakaangal nang bumagsak si Chise sa sahig at nabagok ang ulo.

Tumakbo silang lahat papunta sa kanya pero parang ang mundo ko ay bigla ulit na bumagal.

Nang bumagal ang oras nung matutumba siya ay kitang kita ko pa ang reaksyon niya at dinig ko pa ang sinabi niya.

"I can't control my feet!" She said and her eyes turned into gray for a second at saka siya natumba.

Napahawak ako sa dibdib ko na para bang may kung ano ang bumabagabag sa akin maliban kay Chise.

It's like in the image of Chise I saw Irish when her eyes turned gray...

Last moment I was with Irish, I saw her eyes turned into gray as what Chise did.

"Ari! Ari!! Let's bring her to the hospital!!" Mistulang hangin lang ang lahat ng sinabi ni Yuina na parang lumabas lang sa kabila kong tenga.

Nakahawak parin ako sa aking dibdib at tumutulo na ang luha , di ko alam!! Ang sakit!! Pero di ko alam kung bakit!!

Natauhan na ako at tumakbo papunta kay Chise..

Dumating din si Hajime at nagulat sa scene.

"What the!"

"Buhatin mo siya dali!" Ani Akahana habang umiiyak.

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon