"Gising..."
Itinaas ko ang kumot at ibinalot ko ang ulo ko. Gusto ko pang matulog wala namang klase eh.
"Gising na oii."
Di ko inintindi ang pagyugyog ng kama ko nang kung sino. Isa pa parang pinapatulog noya naman ako eh, paano ako gigising kung sa pagsasalita niya ang lambing lambing na parang gusto ko nalang dumikit sa kama ko.?
"Emerald gising na."
"Hmn?.. ayoko.. inaantok pa ako." Inaantok kong sagot sa kung sinuman iyon.
Nang bigla akong nakarinig ng boses ng isang babae na humahalakhak.
"Mukhang mahihirapan kang gisingin yan, Sky ha!" Anito at ngayon ko lang napagtanto kung sino ang nasa may paanan ko at kanina pa ako ginigising.
Si Sky...
"Pag di ka gumising gagawin kitang ipi-" I cut him off sa pagtayo ko ng kama ko at sinuot kaagad ang tsinelas ko saka nagtatatalon-talon sabay wagayway pa ng aking mga kamay.
"Gising na ako! Gising na ko oh!"
Natigilan silang lahat kaya napatingin ako kay Sky.
Nakaupo parin ito at nakangiti.
"Great. Good morning. Take a bath I'll wait for you." He said in such voice while laughing.
Lumabas ito ng kwarto at ngayon lang nagsink in sa utak ko ang ginawa ko.
Huhu! Nakakahiya pala noh?!
Naglanding uli ako sa kama ko nang nakadapa, at yung pwesto ko ngayon ay naka horizontal kumbaga sa vertical na position ng kama ko saka ko isinipa-sipa ang paa ko.
"Nakakahiya! Bwisit!" Sigaw ko at natigilan ako nang marinig ko ang sariling boses ko nang isinigaw ko yun, it should be in my mind!
Napatingin ako kay Gladia na ngayon ay nakatayo parin sa harap ko at hawak-hawak ang kanyang stick na di ko alam kung ano.
I gave her a sorry-smile.
"Mabuti na lang nagising agad ako, kundi baka ginawa na akong ipis nun!" Dugtong ko pa at umikot saka pumwesto nang naka harap sa kisame.
Tumawa uli si Gladia at ginalawlaw pa ang kanyang stick.
"Asus! Di niya magagawa yun sayo noh!" Tawa nito.
"Huh? Paano mo naman nasabi yun?"
"Kasi-" she was cut off when somebody opened the door. And it was Sky.
Tumingin ito sa akin at lumipat kay Gladia.
"Kakain na!" Saka ito pumasok sa loob at hinila si Gladia at ngumiti sa akin na parang nahihiya?
"Susunod ako."
Agad naman akong pumunta sa banyo naligo at nag ayos. Bumaba ako at hinanap ang kainan since napadaan na ako kahapon dun.
When I finally faced the double door with gold in its corners agad kong hinawakan ang gold na door knob. Pansin ko lang parang lahat ng gamit dito ay gawa sa ginto.
Nang makapasok ako sa loob ay bumungad sa akin ang mga tawanan, katuwaan, ingay at halakhak ng mga kumakain.
Bumilib naman ako sa napakalaking chandelier sa gitna nitong silid. Napakalaki nito at gawa rin ito sa gold at maraming diamonds.
Sa kabilang side ay may pinto at galing dun lumalabas ang mga waiter at waitress.
Saka yung style ng mga mesa at upuan ay para talagang royal style bukod sa blue carpet na nakalagay dito sa gitna ng daan ay nasa magkabilang sides ang mga mesa saka yung style nito ay gawa parin sa ginto na may style sa gilid ng mga corners.
![](https://img.wattpad.com/cover/40275339-288-k61225.jpg)
BINABASA MO ANG
Dream Passage (Completed)
FantasyAt night I always dreamt things. I knowethere's something in there, a mystery. So I woke up and I'm going to find it.