Muling Pagkikita

666 16 14
                                    

Nagising ako sa kawalan nang makaramdam ng malamig na bagay sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ito at ayaw kong malaman kung ano ito. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at isang pamilyar na boses na miss na miss ko na sa mahabang panahon na hindi ko ito narinig.

"Anak, gumising kana. Malilate kana. " mahinahon nitong sabi.

Napadilat ako bigla at napatayo nang marealize ko na nasa kama na pala ako. Ang suot ko, malinis ito, ang aso kong si Lyndon ay nasa harap ko, nasa kwarto ako, at si Mama ay nasa harap ng pintuan ko.

Nginitian ako ni Mama at kasabay noon ay ang parang mabigat na bagay na kung ano ang bumagsak sa loob ko. Umagos bigla nang malakas ang mga luha ko at hindi ko napigilan ang sarili ko na tumayo at agad na tumakbo papalapit kay Mama.

Umiyak ako nang malakas habang ngumangawa at nakayakap kay Mama nang sobrang higpit. Narinig ko namang tumawa ito at ipinikit ko nang marahan ang mga mata ko para damahin ang yakap niya.

Bigla siyang nagsalita.

"Baka malate kana naman. Naghihintay na sila. " at nang sabihin iyon ni mama ay agad kong iminulat ang aking mga mata nang makarinig ng isang tawa mula sa sala.

At doon, nakita ko sila...

Masaya sila at walang sakit na iniinda.

Nakasuot din sila ng mga uniporme nila at nakangiti habang tinitingnan ako.

"Bilis na. Unang araw ng pagbabalik mo ngayon sa Okugi! " napangiti ako bigla nang magsalita si Yuina.

"Tara na! " sabi naman ni Chise.

Isa-isa ko silang tinitigan ang family ng "Peculiars".

Napatingin naman ako bigla sa nag-alay ng kanyang kamay.

It was Aki.

Sa huli, akala ko ay mawawala sila. Mawawala ang lahat ng ipinaglaban ko. Mawawala ang pamilya ko.  Pero, heto sila, buo at kompleto.

Napangiti ako bigla nang may narealize ako.

Ito pala yung sinasabi nilang Dream Passage, tinahak ko ang passage sa unang beses pa lang nang makatapak ako sa Okugi at sa mga araw ng pamamalagi ko roon ay nasa anyong tao ako ngunit ang totoo ay tulog lang ang katawan ko ngunit nabubuhay ako sa Dream Land.

Totoo ang lahat ng mga nangyari at ngayong araw na ito, nagising at nakalabas na ako sa dream passage at muling akong babalik sa Okugi para ipagpatuloy ang misyon ko bilang dreamer.

Sa loob ng Okugi ay may mga nakilala rin akong mga estudyante na nasa Okugi pero ang lahat ng mga alaala na mayroon sila sa loob ng dream land ay pawang panaginip lang at ang nga diwa at katawan nila ay tulog at kailangan pa sila mailigtas ng mga Dreamers laban sa mga kyuuketsukis upang magising at tuluyan ng mapunta sa Okugi. Sa lahat ng pangyayaring iyon ay di ko alam na isa pala ako roon.

Inabot ko ang kamay ni Aki at kasabay noon ay ang pagngiti namin sa isa't isa.

Malaking bagay na nakilala ko silang lahat na nagsilbi ko na ring pamilya.

"Ready for another project? " it was Kaida who asked with a smile in her face.

Agad naman akong napatango at tumakbo palabas ng pinto.

Sa huli, ito pala ang mangyayari.

Nagagalak akong muli kang makita Okugi.

***

-Wakas-

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon