Kaida

308 15 0
                                    

"Kaida" paulit-ulit kong wari habang inisa-isa kong tinignan ang list ng mga pangalan sa isang libro dito sa library. Ako lang mag-isa dito. Na cucurious ako sa pangalang Kaida. Siguro dahil pangalan ni mama iyon at gusto ko lang sigurong kilalanin pa si mama sa likod ng pangaln niyang 'Kaida' .

Binuklat ko ang isang pahina ng mga pangalan at nakita ko ang pangalang 'kaida' na nakasulat dito.

Binasa ko ito.

"KAIDA- means little dragon."

Iyon lang ang nakasulat doon. Paano ko naman makikilala amg katauhan ni mama kung ganito lang ang detalyeng nakalap ko?

May narinig akong kunting ingay. Parang yabag ng paa pero di ito paa ng tao. Biglang tumaas ang balahibo ko at naging aktibo ako.

Tumayo ako sa upuan at sinilip amg shelf kung saan ko narinig ang ingay.

Dahan-dahan akong sumilip sa mga libro.

Kulay puti, naghahalungkat ng mga bagay.

"Aw! Aw! Aw!!" Isang tunog ng aso ang aking nahimigan sa mga shelf kaya masnacurious ako.

Paano nakapasok ang isang aso dito? Gayong di ko namamalayan?

Pero bago pa ako makasilip muli ay nawala na ito. Hinanap ko ito at nakita ko sa harap ko.

"Aw! Aw!!" Tahol nito.

"Lyndon?!" Napangiti ako sa nakita ko. Si Lyndon ang aso ko, matagal ko na siyang di nakita simula nung mawala ako sa bahay.

"Paano ka nakapasok dito ha?" Para akong ulol , kinakausap yung aso kahit alam ko namang di ako sasagutin.

Niyakap ko ito at ginulo gulo ang balahibo.

May sakmal-sakmal siyang libro. Isang lumang libro.

Agad ko itong kinuha at nilagay sa mesa.

"Kagawa's Students" basa ko sa cover.

Binuklat ko ang unang page at nakita ko ang isang larawan ng lalaki, binasa ko ang caption sa baba ng letrato.

"Okugi Marasaki"

Napalingon ako kay Lyndon.

"Saan mo ito nakuha?"

Alam kong di sasagot ang aso pero ewan curious lang ako.

Nilagay lang nito ang isang kamay sa libro at tinuro yung letrato ni Okugi. Ang kaklase ni mama na siyang may alam kung nasaan si papa at sino talaga si mama.

Binalik ko ang paningin ko sa libro at binasa ang detalye tungkol kay Okugi.

"Son of Mr. Kagawa Marasaki." Unang linya pa lang ay natigil na ako.

Ibig sabihin si Kagawa Marasaki ang founder ng school na 'to? Nasaan na siya? Anong nangyari sa kanya?

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.

"OKUGI-means hidden. He is a great student, he got a yellow-green card during his study. A very polite man, he's great in handling wind. He's called WIND HANDLER. 'Saiko' his protector..."

Ibig sabihin isa siya sa studyanteng nakakuha ng yellow-green card kagaya nung sa akin. At Saiko ang pangalan ng kanyang protector. Ipagpapatuloy ko pa sana ang pagbabasa ko nang may narinig uli akong yabag ng tao.

Agad kong tiniklop ang libro at isinilid sa isang shelf.

Nagtago ako at lumabas ng library nang wala ng tao.. di pwedeng magdala ako ng libro kasi di ko ito maitatago. Wala naman akong sisidlan. Babalikan ko na lang iyon mamayang gabi.

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon