Kakagaling ko lang sa locker room at nagpaalam na si Aiko sa akin kya dumeretso ako sa isang bench kung saan nandun sina Kaida.
Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na sila. Napangiti ako sa nakitang si Kaida, kalaro nito si Yuina.
At sa nakikita ko ay may trick siyang ginagawa.
Ipinakita niya kay Yuina ang kanyang kamay na walang hawak-hawak at kitang kita ko iyon mula rito.
May kinuha siya sa likod ng kulay green na buhok ni Yuina at ipinakita ito sa kanya.
Unti-unti niyang hinihigit ang isang kulay pink na panyo.
Nagtawanan silang dalawa saka ginawang headband ni Yuina yung panyong ibinigay ni Kaida.
Naagaw naman ng tingin ko ang ginawang pang-aaliw ni Yuina kay Kaida.
Mayroon siyang tinignang dahon na green na green ang kulay sa kanyang gilid at may pink na bulaklak.
Pinitas niya ito at pinalutang sa hangin, gamit ang hangin ay ipinaipit niya ito sa tenga ni Kaida at nagtawanan sila.
Kitang-kita ko naman si Akahana at Yukio na papunta sa bench nina Yuina, parang sabog yung isa. Nanggigilait sa inis si AKahana habang tawa nang tawa si Yukio.
Di ko namalayang papalapit na pala ako sa bench kaya binilisan ko na ang paglalakad.
Sinalubong naman ako ni Kaida ng isang ngiti.
"Hi Ate!" Ngumiti rin ako't naupo sa tabi niya.
Naupo na rin sina Akahana.
Halatang bad trip siya, siguro inasar nitong si Yukio.
"Ate are you okay?" Pagtatanong ni Kaida.
"I really want to punch that monkey!! Tulungan mo nga ako Kaida! Bugbugin natin yung unggoy na 'yun!" Mariin na sabi niya kaya napatawa lang si kaida.
"Oi, anong nangyari diyan?" Tanong naman ni Yuina.
Mas tumawa pa si Yukio at lalo namang nainis yung isa.
"Eh paano! Nang makita namin si Hajime ay may kaakbayang babae." Aniya.
"Alam na!" Saka nakitawa si Yuina..
Ayokong sumali sa biruan na yan baka maging lechon ako kung nagkataon.
"Napakahangin niya!" Dugtong ni Akahana.
And speaking of Hajime, napatingin ako sa likuran nilang dalawa dahil papunta na rito si Haji kasama si Zaito.
Nang makita na rin ito ni AKahana ay nagcross arms ito at pinaringgan si Haji na ngayon ay nandito na sa bench.
Tumayo ito habang nakacross arms.
"Ang hangin talaga!!!!!!!" Padabog na wari niya.
"Oo nga eh halos silipan na ako ng hangin sa lakas." Napatingin kami kay Chise na kakarating lang at tumawa pa ito ng mahina.
"Tama ka! Ang bastos nga eh noh?! Napakamanyak talaga!"
daing ni Akahana."Mabuti na rin yung mahangin dahil ang INIT-INIT ng panahon ngayon!" Tawa ni Haji.
Tiningnan niya nang masama si Haji.
"Excuse me, pinaparinggan mo ba ako?"
Pero nakangising aso lang si Haji.
"Hay! Talagang napakahangin!! Na kahit mga BABAE ay natangay na ng hangin papunta sa kamay ng isa jan! May paakbay-akbay pang nalalaman! Akala mo kung sinong gwapo! Napakahangin talaga!!!" Ani ni Akahana.
BINABASA MO ANG
Dream Passage (Completed)
FantasyAt night I always dreamt things. I knowethere's something in there, a mystery. So I woke up and I'm going to find it.