Aggressive side

296 16 0
                                    

"I will kill that girl!"

Rinig ko dun sa babaeng sumisigaw. binuksan ko ang pinto at pumasok ng laboratory.

"Oh. There she is." Salubong nung babaeng may pulang mata.

Maputla siya pero ganun parin ang mga kilos niya at inaasal niya.

Biglang nanginig ang ang mga tuhod ko sa talas ng tingin niya sa akin. Parang gusto niya akong sakmalin. Nakatali siya at nagpupumiglas.

Bigla siyang ngumiti. . . An evil smile.

"Emerald Gonzales, anak ng bihag ko." Tawag nito sa akin.

Bihag?

Ibig sabihin hawak niya si mama?

Uminit ang pisngi ko nakaramdam ng galit. Nagbabadya na rin ang mga luha sa mata ko, namimiss ko na si mama. Nakakapikon. Nakakainis. I used to try inhaling again and again but I can't help it.

Tumakbo ako papunta sa kanya. Gusto ko siyang patayin.

I exert a strong force at ididirekta ko na sana ito papunta sa kanya.

"Where's mom!"

"Akari, handle yourself."

Di ko naisagaw ang pag atake nang bigla akong hinarang ni sir Norio at Sir Izo.

Hinawakan nila nang mahigpit ang magkabila kong arm.

"Akari, focus." Wari ni Ms. Era.

Hinawakan nito ang shoulder ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nginitian ako ni maam at unti-unting naglaho ang paningin ko.

Ang huli ko na lang na nalaman ay sinalo ako ni Aki.

....
"Emi iligtas mo ako. Iligtas mo ako Emi!."

"Mom?" Tumakbo ako palapit sa kanya pero bigla siyang nawala.

"nasaan ka na?" Sigaw ako nang sigaw pero walang sumasagot sa akin.

Di ko na natanaw si mama,
Wala na siya.
Bigla siyang naglaho.

Naglakad ako at nakakita ng puno. Isang punong kulay green at napapalibutan ng mga fire flies.

Naging madilim ang lugar na tinatahak ko at tanging puno lang ang may ilaw.

"Akari!" Nakarinig ako ng sigaw ni mama at nakita ko siya sa di kalayuan.

Nakapusas ang kanyang paa at mga kamay.

May isang lalaki ang nakatayo sa likuran niya.

Tinitigan ko ang lalaki, may piklat ito sa noo na hugis ekis.

Hinila niya ang buhok ni mama kaya napadungaw si mama.

Tumingin ang lalaki sa akin, di ko maaninag nang maayos ang kanyang mukha. He then smirk. Nakita ko ang kanyang mga pangil.

Nabigla ako sa ginawa niya.

"Mama!"

"Emerald!" Sinakmal niya si mama sa leeg at umagos ang dugo niya.

Napaiyak ako at bigla na lang silang nawala.

"Mama!"

Nagising ako nang may dumikit na malagkit sa aking pisngi.

Dinilat ko ang mata ko at huminga nang malalim.

Nakita ko agad si Lyndon.

Nakahiga ako sa isang sofa dito sa laboratory.

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon