"Ano ba kasing nangyari?"
"Okay na ba siya?"
Unti-unti na akong nakakarinig ng mga boses at naiidilat ko na ang mga mata ko.
Nakita ko sa vision ko sina Chise.
Tumayo na ako sa pagkakasandal at napansin kong si Aki pala ang sinasandalan ko kanina."Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanila.
"Bigla ka na lang nagcollapse, bakit ba? Masama ba kalagayan mo?" Saka lumapit si Yukio sa akin.
"Di ko rin matandaan. Ang alam ko lang may mga salita akong naririnig sa tinga ko tulad nung una."
Nagkatinginan silang lahat at ibinaling uli ang tingin sa akin.
"Okay ka na ba?" Tanong naman ni Chise na bakas pa ang pag-aalala. Tumango naman ako bilang response.
Ngayon ko lang din napansin, di ko alam kung nasaang silid kami ngayon.
"It's Mr. Izo's office" seryosong sagot ni Aki.
Naman oh.. lumulutang na naman ba ang mga thoughts ko?
biglang umikot yung upuan sa harapan namin sa may main table at nakita ko si Mr. Izo
"Akari maayos ka na ba?" Tanong niya.
"Opo, sir"
Tumayo ito at may biglang nagproject na video sa harapan namin.
"That girl will be your project"
Sabi ni Sir sa amin.Project? Bakit?
"Excited na ako!"
Bigla akong napalundag ng kaunti at tumingin-tingin sa side ko sa narinig kong boses na iyon na parang bulong ng hangin.
That voice..
Di iyon boses ng kahit na sino sa loob ng silid na ito.
That voice was so strange. . .
Ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa program at pinakinggan ko ang voice na nakaproject din dun sa pinapanood namin.
Parang tv lang pero di siya masyadong klaro.. di din siya hologram ,
Para itong hangin pero visualize.
"Athena Martinez , 15 years old.
A daughter of late farmers. Human dreamer. She's living with her aunt but lately she discovered , her aunt is a kyuuketsuki.. She must be took away from her aunt before her aunt will notice that she's a dreamer. Project begins.."
Sabi dun sa program at bigla itong nawala.Biglang tumayo si Aki at nagsalita.
"What's the plan sir?" Seryoso niyang tanong...
Bumalik naman uli si Sir sa kanyang table.
"The same thing. Acting."
He said then smile."Set your plans for now and find her as soon as possible." Dugtong pa nito.
Wow! Ano to ? Kumbaga secret agents kami. Di pa naman ako magaling umacting, idagdag pa na di ko sila lubos kilala paano ako makikisama? Parang kani-kanina nga lang ako napasok dito tapos trial na agad?
Naku naman oh!
Matapos ng meeting na iyon ay bumalik na kami sa aming room. Naiilang parin ako nang kaunti sa kanila kasi kanina ko lang sila nakilala. Ayoko rin namang magsalita ng una baka isipin nilang napaka FC ko, sumama pa ang image ko.
nang makarating na kami sa room ay agad akong nahiga sa kama si Akahana naman dumiretso sa banyo habang si Chise ay may isinasabit na kwentas sa kanyang leeg.
BINABASA MO ANG
Dream Passage (Completed)
FantasíaAt night I always dreamt things. I knowethere's something in there, a mystery. So I woke up and I'm going to find it.