Training in the Dark

285 13 0
                                    

1 week later after the challenge...

Naglalakad kami ngayon papunta sa firefly's tree. Kasama ko ang Peculiar lineage at si Sir Norio pati na rin si Zaito.

He's in our lineage now since he passed the challenge a week ago. Mukha nga yatang tama ang iniisip ko na bago pa mapunta ang mga members ng peculiars sa lineage na ito ay nanggaling muna ang iba sa ibang group gaya ni Daika at Zaito.

Sa di kalayuan ay natanaw na namin ang firefly's tree na kumikinang sa ilae ng mga alitaptap.

Naglakad kami papunta roon habang pinapakinggan ang sinasabi ni Sir Norio.

"Without light you can't see the enemy. Without light you can't catch your enemy." Aniya saka naglakad dun sa center ng puno.

"Stretch your arms and legs." Utos niya at sinunod namin. Di ko alam kung bakit niya pinapagawa ito eh.

"Close your eyes." Marahan kong isinara ang aking mga mata.

Naaalala ko pa, dito ko nakita ang image ni mama na kinagat siya ng isang kyuuketsuki with an "x" mark on his forehead. Napapikit pa ako lalo sa naalala and I feel the same right now of what I felt that time..

There's a chill and anger that I want to kill that enemy to save my mother.

Pinakiramdaman ko lang ang paligid at wala akong naririnig na kahit anong ingay, tahimik lang at parang masdumilim ata.. ayokong imulat ang aking mga mata, baka pagalitan ako ni Sir, mapunishan pa ako ng ilang jog. Ayoko nga!

Sa pakikiramdam ko ay parang nawala ang chills at galit na nararamdaman ko , instead napalitan ng init.

It's a fire.

A fire?

Sino namang gagawa ng apoy?

Iminulat ko ang aking mga mata nang biglang umikot ang paningin ko sa madilim na lugar na ito.

Where's the tree?

Ang dilim!!

Bakit walang lights?!!

Why I feel burning....

Nilinga ko ang aking left side at nakita kong mayroong kumikislap dun na maliit na apoy.. umiilaw ito at minsang namamatay..

"So great sir!! Ang dilim!!"

I heard a voice and it's familiar..

Naiinis siya..

Boses ni Akahana!

Wait! Si Akahana ba ang gumagawa ng fire na iyon?

Tatawagin ko na sana siya nang bigla ulit umikot ang paningin ko at para akong matutumba . Napansin ko ring nahinto yung pagexert ni AKahana ng apoy.

"Fight the opponent without light, fight the opponent without using your eyes to see but by using your senses to make an attack. The battle will spend 30 seconds. The first round will start after three counts." Boses ni Sir Norio sa hangin.

Kung si Sir Izo ay mahilig sa clues, si Sir Norio naman ay mahilig sa surprises!

At anong sabi niya, first round?

Talagang nasurprise ako sa training na ito...

Narinig ko uli ang pagmumura ni Akahana kaya napaisip ako.

Wala akong naririnig na kahit na kaninong boses ng mga kasamahan ko except kay Akahana. At wala akong nakikita kundi apoy ni Akahana.

Wait...

...
Does it mean...

I'm gonna fight Akahana?!

No way!!!!

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon