The Fight

194 12 1
                                    

Ramdam ko ang mabilis na pagbulusok ng pana sa hangin kahit na nakapikit ako.

Alam ko matatamaan ako, pero parang di ko na rin kayang gumalaw pa mula dito sa lokasyon ko... nanghihina na ako...

Mas-ipinikit ko pa ang mata ko at di ko inalintana na matatamaan ako...

Pero isang tunog ng pagbagsak sa lupa ang siyang nakapagpamulat sa mata ko...

"Akari." Tawag niya at parang di niya na mahanap ang boses niya.

Bigla akong napalingon sa likuran ko at huli na bago ko pa malaman na may tao palang sumangga ng pana para lang mailigtas ako.

Parang lahat ng pagyayari ay sobrang bagal...

Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman kong nanunubig na ang gilid ng mga mata ko habang nakikita kong nakatumba na siya sa lupa...

Paulit-ulit niyang ibinulong ang pangalan ko at marami ng dugo sa kanya ang nawala, nakakalat ito sa lupa.

Parang lahat ay bumagal kung paano sumigaw si Chise nung tinawag ang pangalan ko, kung paanong nahati ang tornado ni Haji dahil sa pwersa ng kalaban niya, nung humakbang si Akahana at natamaan ng sarili niyang mga rosas...

Doon tumatak sa utak ko...

Di pwedeng mawala ang mga kaibigan ko.

Biglang bumalik ang takbo ng oras at natumba si Akahana, dahan-dahang bumabalik ang sense ko, nakahilata siya sa lupa habang sumisigaw sa sakit na para bang may sobrang masakit na sensasyon siyang nararamdaman.

Bigla akong napalingon kay Chise at siya rin,

'Dalhin mo sila sa basement!'

'Paano ka?'

'Bilisan mo na!'

'Babalik ako Emi!'

At tanging tango lang niya ang natanggap ko, pero bakas sa mata niya ang pag-aalala.

Agad na may bumukas na portal at nawala silang tatlo ni Aki at Akahana.

Ngayon. Laban ko na ito.

Muli kong itinuon ang sarili ko sa mga kyuuketsukis na kasalukuyan ngayong nakikipag-away kina Genji at Hajime.

Stand still. I will fight! We will live!

'Kohana'  muling kumislap ang nakakasilaw na kulay green na light nung muli kong banggitin ang pangalan niya.

I can feel this force flowing all throughout my body.

Tumingin ako kay Kohana at kasabay nun ay ang pag atake niya sa mga kalaban na para bang nilipad sila lahat ng hangin, pero dumadami nang dumadami ang mga elites na pinapalabas ni Sakura habang sayanga-saya siya sa panunuod.

Pumikit ako at inalala ang magic spell para lumabas ang libro ko.

At sa pagmulat ng mata ko nakalutang na sa harap ko ang kulay indigo kong aklat at agad ko itong binuksan gamit ang susi ko.

At the end, this book is mine. I can reconstract it so I can use it kahit na nasira pa ito o sinunog ng kung sino. Akin ito at ako ang komocontrol nito.

Parang nilipad ng hangin na bumuklat ang mga pahina at nagsilabasan lahat ng mga magic spell sa aklat.


'Darkened the clouds, bombard those lightnings under my control.'   Nung sambitin ko iyon ay parang bagyo na biglang bumigat ang langit at sa gitna nito ay isa-isang bumulusok ang mga kidlat.

I raised my hands, taking in control the movements of those lightnings.

I pulled back my palm and the lightnings stopped floating the air, I twisted my hands so as the positions of the lightnings now facing toward the targets.

I breathed it out and flashed it with my bare hands. Agad na bumulusok ang mga lightnings na pinaulan ko at bawat matamaan nito ay naglalaho kaya pati sina Genji at Haji ay napaatras sa gulat.

I immediately threw my eyes to Sakura and there I've seen it!

She was triggered.

Lightnings are continuing to flood down the area but this time I let it touch the ground not directly to the enemies like they are swords hitting an apple.

Tumakbo palapit sa akin sina Genji at Haji para madagdagan ang pwersa namin at maging solid ito, gawa ng pagtama ng mga lightnings ko sa ground ay ang pag alog ng lupa dahil sa malakas na epekto nito.

Dahil din dito ay nagsiwalaan ang ibang mga kyuuketsukis...

Di ko na matandaan ang eksaktong mga pangyayari basta ang alam ko lang ay galing sa himpapawid ay parang may kung anong tunog ibon ang narinig ko.

Napatingin kaming lahat doon at bigla akong napangiti.

"Kai."  Nagbalik siya.

Lulan ni Kai sa likod niya si Alexus, Leanna, at Sky.

Sisigaw-sigaw pa si Alexus na parang excited makipaglaban. Unti-unti ng lumiwanag muli ang paligid pero di parin gaanong natitigil ang pagshake ng ground.

Tumalon silang lahat pababa sabay ngisi pa ni Alexus.

"Ito ang hinihintay ko eh!" Aniya pa at tumawa nalang din si Leanna.

Nahinto ang pagyanig, maliwanag nang muli ang langit nang biglang may muling sumigaw galing sa himpapawid. Para bang may mga paparating.

Inextend ko ang tingin ko at nakita ko sila. Gladia at Fumito.

Sakay-sakay sa likod ng broomstick ni Gladia si Fumito at halatang naninibago ito.


Seeing these individuals, seeing them, seeing my friends a smile slowly paints my lips.



Napangiti ako.

Lalaban ako!

Lalaban tayo!

***

Malapit na po talaga itong matapos. Hehehe😂😂😂


Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon