Nandito parin kami sa ialalim ng firefly's tree sa kalagitnaan ng dilim..
Naninibago parin talaga ako dahil itong puno lang ang may liwanag dulot ng mga fireflies..
But I should focus now on how we gonna find Athena Martinez.
Iniisip ko parin ang clue na ibinigay ni sir.
"Find her within her name . See her in the place of the first letter" di ko parin maintindihan!
Bakit ba naman kasi ang hilig magbigay ni Sir Izo ng mga clues!
Lahat kami ngayon ay tahimik habang nag-iisip kung ano ang ibig sabihin nun.
Napatingin ako sa mga boys na kaharap namin at nakita ko namang nakatingin sa akin si Yukio na may palaro-larong ngiti kaya napayuko ako ulit.
Leche! Pati ba naman sa mga situation na ito ganyan parin ang attitude niya?
Nadinig ko naman ang pagtawa niya nang kaunti.
"Bakit ka ba nahihiya?"
Narinig ko ang kanyang boses sa hangin. susubukan ko sanang magsalita sa hangin pero di ko naman alam kung paano kaya tinignan ko siya ulit habang nakakunot ang noo.
"Mukhang may nagkakaibigan na ha?" Biglang sabi ni Ren kaya mas kumunot ang noo ko.
Akma ko nang naporma ang kamao ko sa galit pero biglang may nagsalita.
"Tss. You better focus."
Si Aki
Bweset naman kasi na Yukio na yan! Nakakainis..
Pinat naman ni Chise ang shoulder ko at bumulong.
"Sana sinapak mo na! Nang wala nang pasaway pa!" Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Athena's parents are late farmers she's 15 years old living with her aunt.. Ang tanong saan sila nakatira?" Pagtatanong ni Yuina habang hawak ang isang file .
"Find her within her name. See her in the place of the first letter.... to find her we must understand the clue."
Sabi naman ni Ren.Kung sa ibang side nila para lang silang mga inosente at ni wala man lang muwang pero sa ngayon masasabi kong para silang mga matatanda kung mag-isip...
napakaseryoso nila at di mo man lang makausap lalong-lalo na si Aki.
Naisip ko lang, ano kaya ang mga ideas nila? Ang unfair naman kasi sila kayang makita ang mga thoughts ko na lumulutang na lamang sa hangin pero ako di ko magawa..
"Focus"
Napalundag ako nang kaunti habang nakaupo pero bigla kong napagisip-isip na boses iyon ni Aki.Nagfocus na lamang ako sa clue..
kung nakatira siya sa aunt niya at ang mga magulang niya ay mga farmers dati ano namang clue ang mahahanap namin kung saan ang eksaktong lugar kung nasaan siya?
Find her within her name. . . Hanapin siya sa kanyang pangalan? Ano yun? Paano naman namin mahahanap ang tirahan niya sa pangalan niya? Ang labo! Bakit mayroon bang lugar sa pangalan niya?
"Correct! One point for you Akari!"
Napatigil ako sa paghinga! Masisiraan ako ng ulo nito eh! Sino ba yung nagsalita! Di ba pwedeng sabihin na lang nila sa akin in verbal para di na ako tuluyang mamatay sa sindak kapag bigla-bigla na lang sumusulpot ang mga boses nila sa aking tinga.!
Naman oh!
At ano yung sinabi kanina nung boses na narinig ko? Na tama raw ako sa iniisip kong may lugar sa pangalan niya? Adik na ba ako! Ano namang ibig sabihin nun!
Find her within her name. See her in the place of the first letter?
Kaunti nalang pwede na talaga akong pumasok sa mental!
Hanapin ko siya sa kanyang pangalan at makikita ko siya sa lugar ng unang letra?
Eh anong unang letra ang sinasabi niya?
Wait. . .
It makes sense!
"Hanapin siya sa kanyang pangalan at makikita natin siya sa lugar ng unang letra. Kung mahahanap natin siya sa sarili niyang pangalan ibig sabihin ang sinasabing letra ay nasa pangalan lang niya ... letter A ba ang tinutukoy? Dahil ito ang unang letra sa pangalan niya.?"
Lahat sila napatingin sa akin at ako naman sa kanila without any knowledge kung ano ang iniisip nila because they're wearing inunderstandable facial expressions..
Maya-maya pa ay may gumuhit na ngiti sa mga labi ni Chise at ginulo ang buhok ko..
"Oii! May utak ka pala! Haha!" Saka ito tumawa nang malakas..
Imbis na masaktan ako sa sinabi niya napatawa na lamang ako dahil kahit papaano nakikita ko ang bestfriend ko sa kanya.
Napatawa na rin sila except kay AKi na nakangiti lang habang tinitignan kami or more like tinitignan si Chise?
"It makes sense Ari!" Sabay ngiti nang malawak ni Yuina.
Tumigil na kami sa pagtawa and back to serious mode again..
"Tama ang sabi ni Ari! We can find her in her name in referring to the first letter. . . Pero. . . Pero..."
"Pero ano?" Tanong naman ni Yukio.
"Alam nga natin ang unang letra ng lugar na kinaruroonan niya, di naman natin alam kung ano talagang lugar yun sa dami ba naman ng lugar na nagsisimula sa letra A dito sa pilipinas!" Sagot ni Yuina.
Napatitig naman ako sa kanya dahil ang kulay green niyang buhok ay parang umiilaw dahil sa reflection ng mga lights ng fireflies..
"According to the file you're reading lately she's a daughter of farmers.."
"Yeah. Then?" Pagpuputol naman niya kay Aki.
"She lives in a place where some farmers are commonly there for farming." Pagpapatuloy ulit ni Aki.
"Region 111, Gitnang luzon? That's what you mean? Because farming are common to that region.. but then again what place exactly she lives in gitnang luzon?" Sabi naman ni Hajime.
Woah! Di ko lubos naisip yun! Ang galing nila! Para silang investegators with brilliant minds..
"Weeh? May laman din pala yang bungo mo ha Haji? Akala ko wala eh!" Saka humalakhak si Akahana..
.at ayun ang dalawa nagbabatukan na sa isa't-isa."We can find her in the place starting with letter A, remember?" Tinanguan naman ni Chise si Aki.
"Sa lahat ng lungsod sa region 111 iisa lang ang nagsisimula sa letrang A" pagsasabi ni Yuina..
"Aurora" halos sabay na sabi namin nina Aki at Yuina. .
Nabigla kaming pareho maliban kay Aki..
Pagkasabing-pagkasabi namin ng salitang "Aurora" ay nagliwanag ang bulsa ko at sa kanila din yata which is bulsa na sinidlan ko ng card ko.
Kulay yellow-green yung light ko. Yung kay Chise white. Green kay Yuina, Pink kay Akahana , crystal blue kay Aki,red-violet naman kay Haji, yellow ang kay Ren at Brown light ang kay Genji.
Halos di namin maibuka ang mga mata namin at di namin makita ang isa't-isa sa sobrang liwanag ng mga cards..
Unti-unti na itong nawawala at bumalik ang normal na view dito.
Ang sunod na nakita namin ay ang mga fireflies na nasaharapan namin at bumuo ng isang salita..
"Aurora"
"Wow!"
Namangha talaga ako sa nakita ko. Parang may mga isip ang mga fireflies..
"That's the purpose why we're here solving clues. Because whenever our answers are correct fireflies give us sign.. and that word they're forming is the sign that our conclusions are true. Fireflies help us." Sabi sa akin ni Chise...
"Let's go guys, we're going to Aurora!"

BINABASA MO ANG
Dream Passage (Completed)
FantasyAt night I always dreamt things. I knowethere's something in there, a mystery. So I woke up and I'm going to find it.