New School

222 8 1
                                    

"Ouch! Such great!" daing ko nang madapa sa lupa dahil sa paglabas ng portal na gawa ni Irish.

Ang malas ko talaga pagdating sa portal! Lage na lang akong nadadapa!

May nag-abot sa akin ng kamay kaya ako napadungaw.

Nakita ko sa aking paningin ang isang nakangiting lalaki,

Si Zaito.

"Salamat!" Ani ko pagkatapos kong makatayo.

Nakalabas na rin si Kaida at sinalubong ko ito, huli namang pumasok si Irish at isinara na ang kanyang portal.

Nabaling ang aming paningin sa aming harapan.

Isang malaking pader at I think nakarating na kami sa St. John.

Nandito kami sa likod nitong building ng school.

Wala masyadong tao rito. Saka wala ring mga sasakyan. Holiday kasi.

Ay nagkamali ako! Mayroon palang sasakyan at pumarada ito sa aming harapanan.

Tinitigan ko yung tented glass ng sasakyan at nakita ko ang isang pamilyar na mukha.

"Sir Norio?" Sambit ko kaya napatingin silang lahat sa akin at lumabas na nga si Sir Norio.

"Akala ko di na ako nakaabot!" Bungad niya at nakipag sanggaan kay sir Izo.

"Mabuti naman nakarating ka." Sabat naman ni Maam Era.

"I think we need hide." Dugtong pa ni maam.

Di kaagad nagsink in sa aking utak ang sinabi niya.

"Para walang maghinala....Norio ikaw na ang bahala." Dagdag pa ni Sir Izo kaya napatingin kami kay Sir Norio na para nagloloading pa.

"Bilis na!" Sigaw ni Ms. Era sa kanya kaya naman napatalon ito nang kaunti at napatawa kami sa reaksyon nito.

"Oo na boss! Ito na oh!" Wari ni sir saka itinaas ang dalawang kamay at ginalaw ang mga daliri na parang naglalaro.

"If I'm right, he'll make an illusion again!" Sambit sa mahinang boses ni Irish.

"Don't worry darling , this one isn't stupid." Daing ni sir Norio at bumaling kay Irish, ginantihan naman siya nito ng fake na ngiti at nagcross arms.

Nakatayo lang kami ng ilang minuto dun habang pinagmamasdan ang Great Illusionator.

"Done! We're invisble!" Pagbasag niya sa katahimikan naming lahat saka ibinaba na ang kanyang mga kamay.

Umuna itong naglakad pakanan at sumunod naman kami when he suddenly stop.

Humarap muli ito sa amin.

"One more thing guys, don't speak vocally it is better to talk aerially so that people won't hear."

"Woah! Ang galing nito Ate Emerald! Ibig sabihin tayo-tayo lang ang nakakakita ng mga sarili natin?" Napangiti ako sa sinabi ni Kaida , tinanguan ko naman siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nasa unahan naming lahat si Mr. Norio at nasa likod naman namin ang mga boys at sina maam Era.

Tahimik lang kaming naglalakad habang nakahawak sa aking braso si Kaida at ngayon ko lang napansin na taga leeg ko pala siya.

"Ay butiki!!" Isang sigaw mula sa likuran ang aming narinig.

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng sigaw.

"Magdahan-dahan ka kasi!" Saka hinigit ni Yuina ang nahulog na si Irish sa isang hole nitong daan.

At muntikan na talaga siyang malaglag pababa! Mabuti na lang at legs lang niya ang nadali at di siya nagkamantsa.

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon