War Begins

182 10 0
                                    

ERONIA
Emerald's POV

"Sky di kita maintindihan!"

"Ano ba Emi di ka nga pwedeng umuwi sa Okugi eh!"

"Bakit hindi pwede? Ayoko nang mapahamak pa kayo dito, ayokong madamay ka pa kaya gusto ko nang umalis."

Pahina nang pahina ang boses ko pero bigla siyang nagsalita sa seryosong tuno.

"Yun na nga eh. Handa kong ialay ang buhay ko para bantayan ka."

Bigla akong natigilan at ayaw mag sink in ng mga sinabi niya sa akin.

"Ano ulit?" when Mr. Gate entered the office.

"Sky, kung gusto niyang umuwi sa Okugi iuwi mo. Sumama ka para bantayan siya."

"Pero sir dilikado sa Okugi wala silang device para ma-identify ang mga kyuuketsukis. Baka nagkalat na dun ang mga kalaban." ani pa ni Sky pero tumawa lang si Sir Gate.

"Bakit? Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" matapos sabihin iyon ni sir ay tumango lamang si Sky at tinawag si Kai.

Nang lumabas ang Eron niyang si Kai ay sumakay na kami sa malapad na likod nito at lumipad.

Nakayakap lang ako sa likuran niya at tanging side lang ng mukha niya ang nakikita ko.

Ang lalaking 'to, bakit di siya natatakot mamatay para lang bantayan ako?

Bakit ganun siya magsalita?

Lumingon ng bahagya si Sky sa akin.

"Kahit anong mangyari, huwag mong iisiping kasalanan mo ang lahat." at ngumiti siya ng kaunti.

"Pero.....mapapahamak ka." naiiyak na ako sa mga sinasabi niya pero pinipigilan ko lang dahil ayaw kong makita niya akong umiyak.

"Ayos lang."

Bakit ganun siya magsalita? Parang mawawala siya, napahigpit pa ang pagkakahawak ko sa damit niya at pumikit.

Dahan-dahan nararadaman kong pababa na ng lipad si Kai kaya napadilat ako bigla.

Parang gusto kong umiyak sa nakikita ko.

Ang mga halaman na nakapalibot sa buong eskwelahan ng Okugi ay nalanta na at may ibang space ng ground na nawala na ang mga grass. Pero ang isang ipinagtataka ko lang....

Sa likod ng main building kung nasaan ang firefly's tree sa gitna ng dilim ay di ko nakikita mula dito sa itaas.

Nasira din ba ang puno? Bakit wala akong nakikitang umiilaw?

Kahit dilim di ko nakikita... Di ko nakikita ang dilim pero wala din namang liwanag dun. Sa madaling salita ang nakikita ko ngayon sa likod ng main building ng school mula dito sa itaas ay blank space at kagubatan na ang sa gilid.

Pero bakit ganun? Kapag pumunta ka sa firefly's tree balot na balot ito ng kadiliman at para kang nasakawalan at di mo malalaman ang hangganan ng lugar, pero bakit mula dito sa view sa itaas bakit wala man lang akong natatanaw na ganun? Parang invisible?
Nawala sa lokasyong iyon ang firefly's tree.

Sa gitna nang pag-iisip ko ay di ko inaasahan na biglang tatagilid at dadausok pababa si Kai.

"Emerald kumapit ka!!!" nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Sky ay napapikit na lamang ako at naramdaman kong hinawakan niya ang mga kamay ko para kumapit ako.

"Sky!!!" bigla akong napasigaw nang maramdaman kong parang mahuhulog ako. At sa pagdilat ko ng mga mata ko kitang kita ko si Sky na pilit akong inaabot sa pagkakahulog habang si Kai naman ay may sugat sa tagiliran. Pabagsak na ang paglipad ni Kai habang nasalikuran niya parin ni Sky.

I was about to shout when I noticed that everything went just so slow. Slow just how the atmosphere during Chise's accident. Di ko alam kung bakit nangyayari itong slow motion na ito na di ko man lang alam kung kailan mangyayari at bakit.

Habang nahuhulog ako ay napalingon ako sa may mataas na puno at sa branch ng puno ay may natanaw akong tao.

Nakaitim...

At nakatitig siya sa akin na para bang may kinocontrol siya?

And I knew it, it's the man in black cape.

Pula ang kanyang mga mata kagaya nung una ko siyang nakita sa may bintana sa bahay namin.

Pabagsak na ako nang pabagsak nang bigla kong naramdaman na may sumalo sa akin.

Pagdilat ko ng mata ko ay nakita ko si Ren sinalo niya ako. Agad naman akong tumayo at ngayon ko lang napansin na nagkakagulo na dito sa Okugi mayroong iba na nakikipag laban sa mga kyuuketsukis at sobrang pula ng mga mata ng kyuuketsukis.

"Anong ginagawa mo dito?!" ani ni Ren sa akin pero imbis na matuwa ako na nakita ko siya masnabaling ang paningin ko sa mga nakikipaglaban na mga kasamahan ko at ibang estudyante ng Okugi.

"Anong nangyayari?" I asked, when I heard someobe called me.

"Ari!" I immediately search for the voice and I saw Yuina running towards me.

"Ari why did you came here? Go! Escape now!" sabay hila pa niya sa akin pero pinigilan ko siya at may bahid ng pagkalito ang mukha ko.

"I just received the message through air from one of the aerial eronians of Eronia!" sabay hila niya ulit.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ari! Don't you know that it wasn't Mr. Gate who talked to you?! It's his immitator, it was a kyuuketsuki!"

I was shocked from what she said and I can't even believe it!

"Umalis ka na dito Ari! Baka mapahamak ka pa!"

Lumingon siya kay Ren na tumatakbo din sa likuran namin at tumango ito.

Biglang huminto si Ren at nagsalita.

"Taimu!" he said in a loud voice nang biglang may nagflash na yellow light sa harapan namin. At nang mawala ito ay tumambad sa harapan namin ang isang malaking ibon na kulay yellow na kamukhang kamukha ni Kai at may red highlights sa ibang hibla ng kanyang balahibo.

"He's Taimu go with him Akari! Go!" nang sumigaw si Ren ay agad akong natauhan at sumakay sa likod nang ibon saka ito lumipad nang mabilis gaya ni Kai.

Habang papalayo ako sa kanila ay pasikit nang pasikip ang dibdib ko at parang hinihila ako pabalik nito sa field.

Mula dito sa itaas ay may nakita ako sa baba na biglang nagbukas na purple portal at mula dito may lumabas na mga purple flames papunta sa mga kalaban at sumunod na lumabas si Chise and my tears crossed down my chicks.

Ang mga dahon at mga puno ay gumagalaw din dahil kino-control ito ni Yuina, the Superior Green. At nakakakita ako ng ipo-ipo na umiikot sa baba at tinatamaan ang mga kalaban, gawa ito ni Haji at sa loob ng ipo-ipo there's fire at pinapalakas pa ito dahil sa ipo-ipo at alam kong galing iyon kay Akahana, nakita ko siya ng ilang distansya mula kay Haji at nageexert siya ng mga poisonous petals papunta sa mga kalaban.

Those guys... They are really willing to sacrifice theirselves...

Dream Passage (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon