TRAVELER 2: Sando

910 25 4
                                    

Dedicated to anjielicahreignn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dedicated to anjielicahreignn


[Pamela's POV]

January 09, 2023 / 6:30 am

Inihatid ako ni Ismael sa apartment pero hindi niya natiis na iwan ako kaya dito na rin siya natulog sa apartment ko.

Sa pagod namin, hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami. Nagising lang ako sa mabangong naaamoy ko. Amoy bistek.

Kaya bumangon ako para silipin. Bumungad sa akin ang asawa kong tinitikman na ang niluluto niya. Nangunot ang noo ko nang makita siyang walang damit pero may apron.

Napansin niya agad ang presensya ko.

"Good morning," masayang bati ng baritono niyang boses kaya lumapit ako at agad niyang sinalubong ng halik.

"Morning kiss," sabi pa niya.

"Bakit wala kang damit?"

"Tikman mo muna 'tong niluto ko." Iniaro niya sa'kin ang kutsara na may sabaw kaya tinikman ko.

Argh. I missed it.

I smiled.

"Sarap. Ano bang sikreto mo para maging ganyan kasarap 'yan?" 

Hindi pambobola 'yon dahil sa tuwing titikman ko noon ang luto niya, laging may kaibahan sa mga natitikman kong luto ng iba.

"Sikreto ko?" umarko ang kilay niya na parang nagyayabang.

"Ikaw." Bulong niya sa tenga ko kaya nagtaasan ang balahibo ko.

"Lying," inirapan ko na lang at kumuha ng mga pinggan, kutsara, baso, at pitsel.

"Puwede bang magdamit ka muna? Masamang kumain ng hubad," paalala ko. Ang pangit tingnan na magdadasal kami nang wala siyang damit.

"Sorry. Nasanay lang ako sa apartment. Mainit kasi doon kaya kapag natutulog ako, hindi na nagsusuot ng damit."

Pagkatapos naming kumain, naligo na rin ako at naghanda. Umuwi muna si Ismael sa apartment niya dahil nandoon ang mga gamit niya. Pero nagsabi siya na susunduin niya 'ko rito para sabay na kaming papasok.

I wear black trousers slacks, a white sleeveless shirt, and a white office blazer with six buttons on it. Itinali ko rin ang buhok ko ng pasalapid with black ribbon.

*Peep peep*

Napangiti ako nang marinig ang busina ng motor niya.

Umangkas ako hanggang makarating na kami sa parking ng company.

Ngiting-ngiti sa amin ang guard. By the way, siya rin yung guard na nasa panaginip ko.

***

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon