TRAVELER 30: Trust

956 30 16
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


[Pamela's POV]

Sa maghapon naming pamamasyal ay ginabi na kami sa biyahe. Hindi kinaya ng mga bata ang antok. Si Six ay nakaupong paharap at nakasubsob ang mukha sa balikat ni Ismael dito sa loob ng taxi. Hindi na talaga sila mapaghiwalay mula pa kanina.

Samantalang si Isaiah ay pinasubsob ko sa bag na dala namin. Nakapatong sa hita ko para maging unan niya. 

Pagod na rin ang katawan ko pero isinantabi ko na lang. We were both seated by opposite windows of the car, with Isaiah between us.

Kukurap-kurap na rin si Ismael dahil antok na rin.

"Umidlip ka muna," I suggested to him, but he just shook his head.

"Hindi na. Mabilis lang naman ang biyahe."

I simply nodded and turned to face the window.

Nang makarating kami sa bahay ni Isaiah, nagising ito. Pero si Six? Tulog na tulog. Kaya nang madala ni Ismael sa kuwarto ang anak namin ay doon ko na din pinatulog si Isaiah. Mabuti na lang at pumayag na. 

Nagpaalam naman si Ismael na maglilinis ng katawan. Hindi kasi talaga siya makatulog nang hindi ginagawa 'yon. 

Humiga na lang ako. Pero sa mga ganitong oras, hindi rin maiwasan ng utak ko ang mag-isip. Bigla-bigla na lang may papasok na kung ano-ano sa isip ko kaya sa huli, hindi agad makakatulog. 

Pero sa tagal kong naroon ay nagtataka ako dahil wala pa rin si Ismael. Tiningnan ko ang oras sa cellphone. 11 p.m. na pero wala pa rin talaga... kaya bumangon na naman ako.

I carefully descended the living room to avoid waking up my parents, who were asleep on the mattress on the floor. Pumunta ako sa kusina at maging sa banyo pero wala doon si Ismael. 

Nasaan siya? Sobrang tagal niyang umakyat. 

Kaya sinubukan kong bumalik sa kuwarto para tawagan siya. Pero bago ko hawakan ang cellphone sa table ay naramdaman ko ang malakas na hangin sa puwesto ko. Tiningnan ko kung saan nanggagaling at napansin kong gumagalaw ang kurtina. 

Ibig sabihin, hindi pa pala sarado iyon. Naiwang bukas noong umalis kami. Kaya lumapit ako roon. Akmang isasara ko na sana nang mahagilap ng mata ko ang labas nito. 

Pero hindi paligid ang napansin ko kundi ang... lalaking nakatayo malapit sa poste ng ilaw. Bakit nando'n si Ismael?

Hawak niya ang cellphone niya at nagta-type sa screen. Nangunot ang noo ko. Bakit kailangang doon pa? Hindi ba puwedeng dito na lang dahil masyado ng malalim ang gabi?

Binalikan ko ang cellphone ko para tawagan ito at sinagot naman.

"Ismael, umakyat ka na rito. Gabi na pero andiyan ka pa pala sa labas?"

"Hindi ka pa tulog?" balik na tanong niya sa'kin nang may pagkagulat. Ang inaasahan ko ay ang sagutin niya ang tanong ko. 

"Hindi. Inaantay kita, e. Pero ba't ba nandiyan ka?" tanong ko ulit.

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon