TRAVELER 8: Sakit

710 19 3
                                    

[Pamela's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Pamela's POV]

January 19, 2023 - Thursday

I made the decision to work today. Tiniklop ko na rin ang mga damit na nakasampay sa likod. While taking a bath, I recall adding Steph's phone number to the blacklist the day before.

Ibabalik ko na lang mamaya. Natakot lang ako na baka magmessage na naman siya nang hawak ni Ismael ang cellphone ko.

Pero schedule ko ng check-up ngayon kaya susubukan kong pumunta sa clinic. 

"Ready ka na?" tanong ni Ismael habang pinapatuyo ko pa ang buhok ko.

"Yes"

"Sige, start ko na ang sasakyan." Tumango ako.

Si baby Six naman, ready na rin at hindi binibitawan ang laruan niya sa kuna. Lumapit ako at tiningnan ang anak ko.

Hinaplos ko ang pisngi niya. 

I love you anak

Dahan-dahan ko na siyang binuhat at hinalikan sa pisngi. Madalas siyang ngumiti kaya natutuwa ang puso ko na masayahin siyang bata.

"Anak, magpapakabait ka lagi ah." I managed to smile while saying it. 

Naririnig ko na ang yabag ni Ismael papalapit sa'min.

"Ano? Tara na?" 

"mm"

Kinuha na niya ang mga gamit namin at pumunta na sa company.

Sinalubong agad kami nina Sarah at Micheal.

"Finally, pumasok ka rin. Akala ko, magreresign ka na, eh," parinig ni Sarah.

"Ay musta naman besh ang bakasyon? Tinapos ko lang naman ang trabaho mo, FYI..." Sabat naman ni Micheal.

"Ayos naman," ngumiti na lang ako pero ang totoo, nakakaramdam ako paminsan-minsan ng biglang pagkapagod. 

May nararamdaman akong abnormalities sa katawan ko noon. Conscious ako sa katawan ko at lagi akong nagda-diet para hindi magbloat ang tiyan ko pero napansin kong lumalaki ito. Hindi naman gaanong kahalata pa basta maluwag ang blouse ko. Pero mas kinakabahan ako noong huling menstration ko. Sobrang sakit ganundin kapag dumudumi ako...  kaya nagpacheck-up na ko. Doon kinumpirma ng doctor na may cancer ako. Hindi ko alam na kaya mabilis akong pumayat ay dahil sa sakit ko.

Nagpaalam na rin si Ismael para pumunta sa site kaya itinuloy ko na lang ang mga dapat ko pang gawin sa opisina.

Lumipas ang mga oras at tanghali na. Lunch break namin kaya pumunta kami ng mag-ama ko sa canteen. Hindi kasi palaging nandito si Nay Puring at kapag hindi siya ang nagluluto, sa labas na lang kami bumibili. Buti na lang, natiyempuhan namin siya rito ngayon.

"Anong sa inyo?" masayang bati ni Nay Puring habang nakaupo na kami. 

"Ang akin po ay Mais na gulay, Nay. Kay Ismael po ay yung lumpia at paksiw."

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon