PROLOGUE

2.3K 44 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


~~~~~~~~*~~~~~~~~
COUPLE SERIES
~~~~~~~~*~~~~~~~~

#1
Travel Back to Six
🔖The Travelers' Phenomena

#2
The Mate's Law

#3
The Vessel's Destination

#4
The Alcohol's Aftermath

#5
The Scarlet Home



| P R O L O G U E |

[Ismael's POV]

"Kuya Mike, papahangin lang." Tukoy ko sa motor ko. Iniingatan ko 'to dahil ito lang ang sasakyan na mayroon ako. Isa pa, kauna-unahang sasakyan ko 'to kaya hindi ko magagawang palitan.

"Sige lang, Mael. Huwag mo ng bayaran," tumango ako kay kuya Mike.

Mga ilang minuto lang, tapos ko ng pahanginan kaya nagpasalamat ako sa kaniya.

Nang dalhin ko na ang motor sa garahe, pinakiramdaman ko ang suot kong damit kung may pawis o wala dahil kapag mayroon, pagagalitan na naman ako ng asawa ko. Napapangiti ako kapag nakikita kong gano'n ang mukha niya.

Para sa iba, nakakatakot siyang magalit pero para sa'kin, mas lalo ko 'yong minahal.

Tinatakpan ko na ng tela ang motor nang maramdaman ang yakap ni Pamela sa likod ko.

"Tagal mong umuwi. May surprise pa naman ako sa'yo." Nagtatampo ang boses niya kaya agad kong hinarap.

Sinuklian ko siya ng yakap. 

"Ano 'yon?" sa malumanay kong tono.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin at buhay na buhay ang mga mata sa pagkakangiti.

"Wala kang napansin?" kumunot ang noo ko.

Tiningnan ko siya at ilang segundong nag-isip kaya natawa siya.

Ngumuso sa'kin kaya inilapit ko ang mukha ko para mahalikan niya 'ko pero tinakpan niya lang ng mga kamay ang labi niya.

"Hindi halik, Ismael. May itinuturo ako." Ah.

Kaya tiningnan ko ang gawi na sinasabi niya at nakita ko ang dalawang pares ng gulong na nasa sulok nitong garahe.

"Binili mo?"

"Uhuh, para sa'yo."

"Pamela, bakit ka bumili? Ayos pa nam---"

"Ssshhh. Mr. Ismael Sergio Y. Hidalgo, for your information, hindi lahat ng ayos pa ay puwede pa. May mga pagkakataon na kailangan mo na talagang palitan."

"Regalo ko sa'yo 'yan at kapag nakipagtalo ka pa, maglalatag ako ng dahilan."

Parang hinahamon niya 'ko kaya sinubukan ko.

"Sige nga, Pamela. Kumbinsihin mo 'ko. Kapag hindi, ibabalik natin 'yan." Namewang siya at tinaasan ako ng kilay. Perpekto ang hugis noon na parang hindi niya talaga nakakaligtaan na ahitin. Hindi makapaniwalang hinahamon ko siya.

"Unang-una, trabaho ko na siguraduhin ang performance at safety ng mga tao sa site. At tiningnan ko 'yon diyan sa gulong mo. Check sa performance pero hindi sa safety."

"Pangalawa, nakita kitang nagpahangin noong isang linggo. Nakadalawa ka at patatlo na ngayon. Kaya binusisi ko 'yang gulong mo. Nakita ko ang date manufactured. 0217. Ibig sabihin, second week of 2017. Ang expiration ng tires ay five to six years kung hindi mo alam. 2023 na ngayon kaya kapag ni-compute mo, seven years na 'yan."

Pinisil ko ang ilong niya at bumulong.

"Six years pa lang, Pamela. Puwede mong i-check sa calculator." Nakita ko ang biglang pagkabilog ng mga mata niya at bahagyang namumula. Parang napahiya siya.

"Ahm, ano... edi six years." Tatawa na sana 'ko pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Teka, kahit six years pa yan, pa-third week na ngayon. Ibig sabihin, expired pa rin ng one week." Talagang ipinaglalaban pa rin niya.

"Isa pa, hindi pa 'ko tapos. Nakita ko ang tread wear indicator. Dapat at least 1.5 -1.6 mm ang depth. Para makasigurado, bumili ako ng digital tread depth gauge. Sinukat ko at lumabas na 1.3 mm na lang. Ano? Ibabalik mo pa ba 'yang gulong na regalo ko sa'yo?" 

Doon na ko natawa at hinila na siya para yakapin.

"Oo na.... talo na 'ko. Salamat."

"Dapat lang. Prone sa accident ang motor at lagi mong gamit 'yan kapag pumapasok ka sa University. Masiyadong mahal ang buhay para masayang lang, Ismael." Tumango ako at hinalikan siya sa noo.

"Tara na sa loob. Pinagluto kita ng recipe ko. Ginataang sitaw with kalabasa and crabs. Hindi ako papayag na ikaw lang ang may masarap na recipe."

Tuloy lang siya sa pagsasalita pero hindi ko pa rin siya binitawan sa pagkakayakap. 

Ang sarap mong mahalin, Pamela.


*~~~~~~~~~~~~~*~~~~~~~~~~~~~*

This story is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© All Rights Reserved 2023

*~~~~~~~~~~~~~*~~~~~~~~~~~~~*


The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon