Dedicated to loveonread❤️
[Pamela's POV]
January 26, 2023 - Thursday
⏰4:00 a.m.
I took a glance at my phone's screen. Naunahan ko pa ang alarm clock. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ko o hindi. Honestly, my first chemotherapy session made me anxious.
Dahan-dahan akong nangapa sa liwanag at napatingin sa tiyan ko.
Ang bigat naman ng kamay ni Ismael. Nilayasan ko na sila ni Axel sa terrace kagabi pero hindi naman ako tinantanan nito pagkatapos. Sobrang higpit ng yakap ng mga braso niya kaya kahit pag-ihi ay hindi ko nagawa.
Now, I kept staring at his face and started to smile once again. Yes, he appears to be quite gentle. I desperately want to squeeze his nose, but he is fast asleep, tsk. Despite this, I gently stroked his cheek out of worry that he would wake up.
Pagdating ng alas-singko, siguradong mag-aalarm ang keypad niyang cellphone. Kaya kinuha ko sa side table nang hindi siya nagigising. I looked for the clock and turned it off. Hindi ka dapat napapagod nang ganito, Ismael.
Tinitigan ko ang cellphone niya, sobrang luma at hindi na kasabay ng modern gadgets ngayon. Baka nga kahit ang keypad na kasabay nito ay sira na samantalang ang kaniya ay naingatan talaga. Kung ibili ko ba siya nang mas bago rito, hindi kaya magalit?
Bakit ba naman kasi sobrang tipid ng lalaking 'to? Hindi man lang regaluhan ang sarili niya. Parang 'yung brief niya... patangos na.
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.
Kapag ba ninakawan ko 'to ng halik, hindi magigising?
Huwag na nga. Baka kapag naikulong na naman ako sa braso niya ay hindi na talaga makahinga!
Sinilip ko rin si baby Six. Nasa sulok nitong kuna. Hindi man lang inilagay ni Ismael sa pagitan namin. Daig pa niya ang anak namin sa pamimilit na siya muna ang katabi ko. Hay nako!
Pero paiba-iba talaga kami ng puwesto, e. Minsan, ako ang narito sa may side table pero madalas ay ako ang nasa sulok.
Pinakiramdaman ko muna silang dalawa. Then I carefully reached out to take Ismael's hand out of my stomach.
Please don't wake him up, I pleaded several times. Buti na lang, hindi nga.
Dahan-dahan rin akong lumaktaw sa kuna at lumabas na ng kwarto. Agad akong nagsaing ng kanin hanggang tanghalian. Nang kumulo ito, ipinatong ko ang itlog para mailabon. Nagpainit na rin ako ng tubig para kung sakaling humingi ng kape si Ismael.
Hindi naman marami ang kain ko kaya okay na sa'kin ang oatmeal at bread. Isa pa, umaga ngayon. Madalas talagang walang gana kapag ganitong oras.
Isinabay ko na ring painitin ang tira namin kahapon. Akala kasi ni Ismael, makakuwi na rito sina mama at papa.
BINABASA MO ANG
The Travelers' Phenomena
RomanceCOUPLE SERIES #1 |Part 2| Kung pinagbigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sasayangin mo pa ba? Kung galing ka sa isang lugar ng delubyo, babalik ka ba? O pipiliin mo nang maglakbay paalis doon? Kung maglalakbay, iyon ay dahil gusto mong makarating s...