[Ismael's POV]
January 21, 2023 - Saturday
Kaya pala... kaya pala palagi siyang pagod. Kaya pala gusto na niyang kumain ng gulay. Kaya pala madalas, lagi siyang busog. At kaya pala, ayaw niyang makipagtalik sa'kin... dahil may sakit na pala siya.
Nahihirapan siya pero ako pa rin ang iniisip niya. Sa totoo lang, gusto kong bugbugin ang sarili ko. Lagi na lang akong walang magawa. Limitido lang ang kakayahan ko.
Noong una, hindi ako nanghihinala sa ikinikilos niya pero hindi ko maiwasang mapaisip na baka may tinatago siya sa'kin dahil natitigilan siya kapag hawak ko na ang telepono niya.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya pero may kutob akong may itinatago pa rin siya. Kaya noong isang gabi, noong lumabas siya, iniwan ko lang saglit ang anak namin sa kusina. Pumasok ako sa kwarto at nakita ang susi sa kuna.
Kapag binubuksan ko ang cabinet para maghanda ng mga isusuot ng anak namin, nagtataka ako kung bakit lock ang ilalim. At laking gulat ko nang mabuksan iyon. Mga reseta at kung anumang ultrasound iyon ay hindi ko alam pero nanghina ako nang makita ang resulta noon.
Cancer. Isang nakakamatay na sakit.
Mayroon noon ang asawa ko. May cancer si Pamela.
Biglang nag-iba ang timpla ko. Parang sumakit ang ulo ko at bumibigat iyon. Hindi makapaniwala at umaasa pa ring peke ang lahat ng dokumentong hawak ko. Kaya agad kong pinuntahan ang asawa ko sa labas habang kausap na niya ang kapatid niya.
"Mr. Hidalgo, kanina pa kitang tinatawag. Hindi mo ba ko naririnig?" Nagising ang diwa ko nang tawagin ng propesor ang pangalan ko. Kinulbit na rin ako ng kaklase ko.
Napatingin ako sa unahan at napansing lahat sila ay nakatingin na sa'kin. Kanina pa pala akong tinatawag ni Ma'am.
Kaya tumayo ako kahit wala sa sarili.
"Yes, Ma'am. Ano hong tanong?" nagbuntong-hininga siya.
"Do you have a problem, Mr. Hidalgo?"
"Wala ho..."
"Are you sure?"
"Yes, Ma'am."
"Okay. Then, answer my question. Wala rin naman akong matawag sa mga kaklase mo para sagutin ang tanong ko. Nasa board na ang example, hindi pa rin maipaliwanag."
Tiningnan ko ang example problem kahit wala pa rin talaga ako sa sarili.
"Ano sa tingin mo, Mr. Hidalgo? What can you say about the concept and how significant it is to our subject?"
Tinitigan ko ulit ang problem.
System of equation na may mga initial condition. Gumamit siya ng laplace tranform at hinanap rin ang inverse transform.
BINABASA MO ANG
The Travelers' Phenomena
RomansaCOUPLE SERIES #1 |Part 2| Kung pinagbigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sasayangin mo pa ba? Kung galing ka sa isang lugar ng delubyo, babalik ka ba? O pipiliin mo nang maglakbay paalis doon? Kung maglalakbay, iyon ay dahil gusto mong makarating s...