TRAVELER 19: Biyenan

458 20 6
                                    

[Ismael's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Ismael's POV]

Nang makababa kami sa sasakyan ay agad na pumunta sa kwarto namin ang mga magulang ni Pamela. 

Naabutan nila ang lagay niya na nakahiga sa kuna habang nanghihina at namumutla. Tamlay ang mga mata niya pero pilit na ngumiti nang makita sila. 

"Ma... Pa," agad na niyapos siya ng mama niya kasabay ang pagtulo ng luha nito. Idinako naman ni Pamela ang tingin sa'kin na siguradong dahil alam na niyang may ideya na pala ang magulang niya na hindi ko man lang sinabi sa kaniya.

Umupo na rin ang papa niya sa kuna habang tinitingnan ang anak na kahit hindi mahahalata sa kilos ay kitang-kita ang pagkalumbay sa dinaranas ng anak. 

"Rhayne, a-anak," sabay haplos ng mama niya sa pisngi niya.

"K-kamusta na ang lagay mo? May... masakit ba sa'yo? N-nakakain ka na ba? Nakakainom ka ba naman ng gamot?" tinitingnan niya ang buong katawan ng anak niya.

"Anak, andito na ang mama, ha? Sabihin mo s-sa akin ang lahat... ang l-lahat ng nararamdaman mo. Pagagaanin ni mama 'yan, ha?"

"Ma, ayos lang ako, okay?" hindi naaalis ang ngiti sa labi ni Pamela. "Malakas pa naman ako. Huwag kayong masyadong mag-alala. Sabi kaya ng doctor, kaya ko raw," tumatawa siya habang sinasabi iyon.

"Anak naman," pinunasan ng mama niya ang luha sa pisngi niya. Pinipigilan nitong umiyak pero hindi kinaya dahil sa nakikita niya. "Ugaliin mo namang magsabi sa amin. Ano pang silbi n-namin kung hindi mo kami l-lalapitan!" nababasag ang boses niya.

"Ma? Huwag ka ng malungkot," may lambing na tono niya. "Malakas pa, e. Huwag kayong OA. Sige na, Ma. 'Wag ka ng umiyak, please?" isiniksik ni Pamela ang ulo niya sa braso ng ina para pakalmahin ito.

"Andito na naman kayo, ah. Lalapit na talaga ako, okay?" pinapawi niya ang luha sa mga mata ng ina.

"Pa," baling naman niya sa ama niya. "Halina nga kayo dito! Ba't andiyan lang kayo? Bakit hindi niyo 'ko salubungin ng yakap?!" 

Ginagawa ni Pamela ang lahat para maging positibo alang-alang sa mga magulang niya. Naalala ko noon kung paano niya banggitin sa'kin ang tungkol sa kanila. Kapag magkasabay kaming kumain sa site, madalas niyang ibida ang dalawa at kung gaano niya nami-miss ang mga ito.

~Flashback~

"Psst, Ismael!" kumakain lang ako ng baon ko nang bigla siyang dumating at umupo sa tabi ko.

"Pansinin mo ako," itinaas ko nang bahagya ang kilay ko para pakinggan ang kung anumang sasabihin niya.

"Tutal, madaldal ka rin naman at madalas kang magkwento ng tungkol sa mga kapatid mo, this time, ako naman!" ngiting-ngiti siya.

"Sige lang," komento ko. Kinuha na rin nito ang baon niya para sabayan ako.

"Alam mo, nakikita ko ang magulang ko sa'yo. Kasi ang hardworking mo."

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon