[Ismael's POV]
May sikat na ng araw nang lumabas ako sa tent. Buti na lang, nakapagluto si ate Marina at kuya Mike.
"Kamusta ang asawa mo?" tanong ni ate Marina.
"Ayos naman ho, ate," tinapik niya ako sa likod.
"Maganda nga ang idea mo, Mael. Kahit papa'no, nakalabas at nakalanghap ng sariwang hangin si Pam pam. Oh, kain ka na diyan. Umuna ka na muna sa mag-ina mo para mas maasikaso mo pagkatapos," tumango ako.
Ngayong umaga na rin ang oras ng uwi namin. Iintayin ko lang na magising ang mag-ina ko. Sila na lang ang nasa loob ng tent.
Ilang oras lang talaga ang tulog ko dahil nang maging mahimbing na ang lahat kagabi ay hindi na natanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Pamela.
Mangako ka... na kahit anong mangyari... m-magiging macropus ka.
Posibleng m-mahabang kilometro pa ang lalakbayin niyo... kaya s-sana... h-hindi kayo s-susuko ng anak n-natin, ha? Hindi kayo m-mapapagod.
Ha, Ismael? T-tutuloy kayo ni Six... kahit... wala na 'ko sa t-tabi niyo.
Kahit kailan ay hindi ko inisip ang mga bagay na sinabi ni Pamela. Gagaling siya. Naniniwala ako roon. Kung hindi niya kayang magtiwala, pero ako... naniniwala akong kaya niya 'to. Malalagpasan namin lahat 'to.
Hindi rin ako sang-ayon sa sinabi niya. Walang kahit na sino ang puwedeng maging ina sa anak namin o papalit sa kaniya tulad ng sinasabi niya dahil siya lang 'yon... siya lang.
"Kuya, gusto niyo po ng kape?" alok ng bunso ni ate Marina dito sa mesa. Hindi ko napansin ang pagtitimpla nito sa lalim nang iniisip ko.
"Sige lang, Mella. Salamat," ngumiti ako at tumango naman siya.
Sa gitna nang pagkain ko ay dumaan sa harap ko ang biyenan kong babae papasok sa tent pero hindi siya lumingon sa gawi ko. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng biyenan ko at nakita ko roon si ate Marina, kuya Mike, at ang biyenan kong lalaki na mukhang kanina pang nagkukuwentuhan sa lilim ng malaking puno.
Sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko naman masisisi ang biyenan ko sa pakikitungo niya sa'kin dahil alam ko kung ano lang ako. Na umpisa pa lang, napilitan lang ito na sumang-ayon sa pagpapakasal namin dahil iyon ang gusto ni Pamela.
Hanggang ngayon, nakokonsensya pa rin ako sa nagawa ko noon. Kahit ipinagpapasalamat kong dumating ang mag-ina ko sa buhay ko, hindi ko pa rin maiwasang manliit sa sarili ko. Dahil kahit anong pagsisikap ko, alam kong hindi ko kayang maibigay sa kanila ang komportableng buhay na karapat-dapat sa kanila.
Sana nga, nag-aral na ako noon pa man. Sana... hindi ako nakinig sa mga taong nakapaligid sa'kin. Sana... sinunod ko ang gusto ko. Sana... hindi ko na kailangang gawin pa ang bagay na 'yon.
BINABASA MO ANG
The Travelers' Phenomena
Storie d'amoreCOUPLE SERIES #1 |Part 2| Kung pinagbigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sasayangin mo pa ba? Kung galing ka sa isang lugar ng delubyo, babalik ka ba? O pipiliin mo nang maglakbay paalis doon? Kung maglalakbay, iyon ay dahil gusto mong makarating s...