TRAVELER 13: Live

570 20 3
                                    

[Ismael's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Ismael's POV]

January 24, 2023 - Tuesday

Nagulat ako sa malakas na tunog na nanggagaling sa kwarto namin. Parang nasa tenga ko mismo. Kaya nagmulat ako ng mata kahit antok na antok pa. 

Ilang beses kong kinusot ang mata ko at nagulat nang katapat na ng mukha ko ang mukha ni Pamela.


Now Playing: Otso Otso by Bayani Agbayani

Pipikit na sana ako pero agad niya kong hinila sa kama. Sinabayan niya ang lyrics ng kanta para paringgan ako.

Pagmulat ng mata,
paggising sa umaga
Iunat ang kamay,
bumangon na sa kama
Kung inaantok pa,
lumundag-lundag ka,

ah-ha-ha (ah-ha-ha)

Dinala naman niya 'ko sa sala habang hawak ang kamay ko. Nagpadala lang ako kahit antok na antok pa rin. May ginawa kami ni Pamela kagabi at hindi ko inaasahang ganito ang magiging epekto sa kaniya ngayong umaga.

Kahit pangit ang gising ko dahil sa pagkabigla, natawa na lang ako. Kitang-kita sa kaniya kung gaano siya kasaya. Hawak pa niya ang sandok na ginawang mikropono. Binuhat na rin niya ang anak namin at paminsan-minsang itinatapat dito ang sandok. 

Ang lakas ng speaker na konektado sa telepono ni Pamela.

Kung wala pa rin, 'wag
mo nang pilitin
Buksan na lang ang TV o
sa radyo ay hanapin
Tunog at bagong step na
nakakagising, i-hi-hing
(i-hi-hing)


"Sayaw tayo, Ismael. Sabayan mo rin akong kumanta." Kumamot ako sa sintido ko at luminga sa paligid. Baka may camera ulit pero parang wala naman.

Pinanood ko lang siyang mag-otso-otso. Hindi na siya nahihiya, ah. Noong isang araw, halos namumula na ang buong mukha niya sa pagkapahiya. Ngayon, parang hindi niya sasayawin kapag wala ang presensiya ko. 

Masiyado siyang masaya ngayon kaya kinuha ko na ang anak namin para makasayaw siya ng ayos.

"Hindi lang pampatibay ng butong matamlay," sinabayan ko ang tunog at ibinulong sa anak ko.

"Ito ay pampahaba pa ng ating buhay," parinig ko naman kay Pamela.

"May ngipin man o wala, lahat ay sumabay." Turo namin sa gilagid ni Six na walang mga ngipin. Lahat kaming tatlo ay natawa. 

Sasabayan ko pa rin sana sa pagkanta si Pamela nang hindi ko inaasahang nasa pinto na sina kuya Mike. May dala na namang gulay si ate Marina sa mangkok na papunta na dito sa sala habang sumasabay rin sa step ng otso otso. Sumabay na rin si kuya Mike na nagpaikot-ikot at may sariling galaw. 

Hinihila na 'ko ni Pamela para pasabayin sa kanila pero tumanggi ako. Hinalikan ko na lang sa pisngi ang anak namin.

"Sabay ka, Ismael. May zumba tayo ngayong umaga." Hirit pa ng asawa ko pero hindi talaga. Matigas ang katawan ko. Sumibangot ang mukha niya pero napagtanto kong hindi ko talaga siya kayang pagbigyan sa bagay na 'yon.

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon