TRAVELER 33: Phenomena

578 14 22
                                    

Note: You can play the suggested music in this chapter while reading the scenes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Note: You can play the suggested music in this chapter while reading the scenes.

The Last Travel  before the EPILOGUE.


[Pamela's POV]

Tulad nang kung paano lumubog ang araw mula sa Silangan papuntang Kanluran ay ganoon din ang kalagayan ni Ismael.

Nalagpasan niya ang ilang araw na taning na sinabi ng doktor pero... lulubog... lilitaw.

Lagi akong natataranta kapag tumitigil ang pagtibok ng puso niya. Hanggang sa hindi na ulit nangyari 'yon.

Sinabi pa sa'kin ng doktor at nurse ang tungkol sa DNR form. Do-not-resuscitate if my husband will experience that again.

If I sign it, they will not attempt CPR on him anymore. Pero ayoko. Pupunitin ko pa sa harap nila ang papel na 'yon.

Kahit pa mabaon ako sa utang... hinding-hindi ko susukuan ang asawa ko.

Isang buwan kaming naroon at nagdesisyon akong ilipat na ng ospital si Ismael sa Pilipinas. Masiyadong malaki ang babayaran namin kung nagtagal pa kami do'n.

Isa pa, gusto na ring makausap ni Six ang ama niya. Papasok na rin sa school kaya kailangan din ako ng anak ko.

Sumang-ayon din ang mga kapatid ni Ismael. Kahit pa galit ako sa kanila, may karapatan pa rin sila sa desisyon lalo na't nakita ko kung gaano kadalas silang magbantay sa kuya nila. Kung paano nila kinakausap ang kuya nila. 

Pero si Isle? Siya lang ang bukod tanging hindi ko nakikitang pumasok para kausapin man lang ang kuya niya.

Sa kanilang lima, si Isle ang napansin kong may matigas na puso. Kahit anong ipukpok sa batong 'yon, walang makatibag. 

Tulad ng sinabi ni Isaiah, siya lang ang hindi napasunod kahit isang beses ni Ismael. He has his own rules and laws that no one can change.

But that's them. I don't have any control over that. Their life, their minds.


MAKALIPAS ANG KALAHATING TAON...

Sa bahay na namin inaalagaan ang asawa ko. Sinuportahan ako ng mga kapatid niya sa iba pang gastusin.

Bilang kabiyak ng kapatid nila, hindi ko sila pinigilan sa pagbawi sa kuya nila. Wala rin ako sa posisyon para husgahan sila ng husgahan dahil wala ako noong panahong sila ang dumaranas ng pait sa buhay nila.

Hindi ko alam ang totoong nararamdaman nila. Tao lang ako at nagkakamali rin. Kaya sino ako para pigilan sila?

Hindi ko na rin pinauwi si mama. Pero bumibisita sila minsan sa loob ng dalawa o tatlong buwan.

Ayaw niyang pumayag sa desisyon ko pero nang malaman niyang tinutulungan ako ng mga kapatid ni Ismael ay nakumbinsi ko naman.

"'Nay!!!!"

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon