Dedicated to RecomMend8❤️
[Ismael's POV]
May sikat na ng araw nang magising ako... dito sa sala. Agad akong napabangon nang makita ang biyenan ko na nagbabasa ng diyaryo.
"Ah, Pa..."
Itinaas niya nang bahagya ang kilay habang nakakunot ang noo dahil sa binabasa. Pero tumingi rin sa'kin at inantay ang sasabihin ko.
"Pasensya na ho kagabi..."
"Tanda mo, iho?" tanong niya at umiling naman ako.
"Hindi ho pero... sigurado ho akong may nagawa akong hindi tama." Narinig ko ang tawa ng biyenan ko na dumaan sa harap namin.
"Kagaya ng ginawa mo sa anak ko noon?" may bahid ng pagiging sarkastiko ang tawa niya.
"Amelia, huwag ka na--"
"Bakit, Apolo? Pinapatahimik mo naman ako dahil tama ako? Hindi ba ganoon naman talaga ang nangyari? Dahil sa paglalasing niyan, kaya pati anak natin, na--"
"Amelia! Sinabi ng tama na!" umiling-iling ang asawa niya at pumunta na lang sa kusina.
Hindi na ako nakaimik pa. Nag-iinit ang sulok ng tenga ko dahil pakiramdam ko, wala akong mukhang maiharap sa kanila.
"Iho, sadya lang talagang mainitin ang ulo ng asawa ko. Hindi na naman talaga big deal ang nangyari sa inyo ng anak namin. Tanggap na naman niya iyon noon pa kaya huwag mo ng pakaisipin pa."
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.
"Pero... may isang bagay na hindi siya matanggap. Kaya ganyan 'yan ngayong umaga. Baka iniisip pa rin talaga ang sinabi mo kagabi." Tumawa ito habang napapailing kaya hindi ko maiwasang magtaka.
"B-bakit ho? May... nasabi ho ba akong masama?"
"Hindi naman... dahil totoo naman, hahaha!"
"Ano ho bang s-sinabi ko, Pa?"
"Hindi mo nga tanda, ano?" sabay senyas niya sa'kin na ilapit ang sarili ko sa kaniya. Kaya lumapit na ako.
"Sinabi mo kasi iho na... mas suplada siya kay Rhayne." Natigilan ako sa narinig. Hindi ko akalaing nasabi ko 'yon kagabi. Ngayon, mas dobleng hiya na ang nararamdaman ko.
"Ayos lang 'yan, anak," tinapik niya ang balikat ko. "Tama nga naman... na kapag lasing ang isa, hindi na mapigilang sabihin ang tunay na nararamdaman niya."
"Hindi ho, p--"
"Iho," pagkontra niya sa'kin. "Ayos nga lang iyon. Mas maganda na ring narinig niya kahapon para matamaan naman."
***
Dahil sa nangyari, hindi na ako komportableng makipag-usap sa ina ng asawa ko. Hindi ko alam kung paano hihingi ng pasensya dahil tuwing lalapit ako at may sasabihin ay palaging may laman ang bawat salita niya.
BINABASA MO ANG
The Travelers' Phenomena
RomanceCOUPLE SERIES #1 |Part 2| Kung pinagbigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sasayangin mo pa ba? Kung galing ka sa isang lugar ng delubyo, babalik ka ba? O pipiliin mo nang maglakbay paalis doon? Kung maglalakbay, iyon ay dahil gusto mong makarating s...