TRAVELER 23: T1D

450 16 4
                                    

[Pamela's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Pamela's POV]

Mula noong mag-away kami, wala na kaming naging imikan ni Ismael. Kahit sa pagkain, hindi kami nagsasalita. Hindi naman iyon napapansin nina mama at papa. Kapag naglilinis ako ng pinagkainan, pupunta na siya sa banyo. 

Kapag naman nadadatnan niya 'ko sa sala, dumidiretso na ulit siya sa banyo. Hindi siya kumakain ng hapunan o sadyang doon na siya kumakain sa palengke bago umuwi. 

Tatlong araw kaming gano'n. Nagkakausap naman kami pero tungkol lang kay Six. Hindi na rin siya clingy. 

Naiinis ako dahil hindi man lang siya magpaliwanag. Iniintay ko lang naman ang sasabihin niya, ah. Ito talaga ang napansin kong pangit sa ugali niya, ughh. 

Pero aaminin ko, nakonsensya ako nang sabihin ko 'yon sa kaniya. Ako pa talaga ang kumontra sa pag-aaral niya. Pero kasi, hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Sumabog ako dahil naulit na naman ang nangyari noon. Naglihim na naman siya pero ang kaibahan, wala akong ideya ngayon. 

Ang dami ko pang gustong itanong sa kaniya. Kailan siya nag-aral? Anong reason niya? Kasi bakit pa? Kung mag-aaral din naman siya, bakit hindi na lang niya utayin ang nasimulan sa engineering na course niya? Gano'n rin naman 'yon. Ang mahalaga, nababawasan ang units sa semester.

Hindi ko siya maintindihan. Pero wala naman talagang masama sa course niya. Hindi ko minamaliit 'yon dahil marangal ang trabahong 'yon. Sa totoo lang, malaki ang respeto ko sa kanila dahil kasamahan noon ang kursong kinuha ni mama. 

Narinig ko kasi dati na pinag-uusapan iyon ni mama at papa. Kung magiging Certified Professional Caregiver ba siya o Certified Nursing Assistant? Dahil na-curious ako, itinanong ko 'yon kay mama. Kung anong kaibahan no'n. Kaya ang sabi niya, kapag CNA, may alam ka sa medical services to assist patients. Pero kapag caregiver, mas focus sila sa daily routine ng isang pasyente kaya nasa bahay lang. At ang parehong kursong 'yon, maraming offer sa ibang bansa. 

Akala ko nga noon, sasabay siya sa mga kasamahan niya pero... hindi niya ginawa. Nakontento na siya na kahit maliit ang sweldo, ang mahalaga, nasa Pilipinas pa rin siya. 

Pero baka tama si Ismael. Baka nagsasabi naman siya ng totoo na... hindi talaga siya aalis. Masiyado lang siguro akong nadala ng emosyon ko. Hindi ko lang naman matanggap 'yon dahil natatakot ako. Ayoko nang bumalik sa ganoong sitwasyon. 

"Rhayne," tawag ni mama sa'kin dito sa terrace. 

"Kailan mo ipasusuot sa anak mo ito?" nga pala. Hawak ni mama ang prosthetic eye ni Six. Itinatabi pa rin pala niya.

Mula pagkababy, ipinapasuot na namin sa kaniya ang conformers na advised ng doctor niya. Para daw mag-expand ang eye socket ng anak ko. Noong malapit na siyang mag two years old, iginawa na siya ng prosthetic eye. Pero dapat, nitong nakaraang linggo ko siya dinala sa doctor niya para mamonitor. Pero hindi ko na nagawa dahil napakalayo na namin. Naging hadlang na rin ang sakit ko.

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon