TRAVELER 17: Chemotherapy | Part 2

585 17 3
                                    

[Pamela's POV]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Pamela's POV]

"Ate, andyan naman lahat ng gamit ni baby Six. Kapag umiiyak siya, laruan lang niya ang magpapatahan sa kaniya. Kapag naman may gagawin kayo ni kuya Mike, hindi naman siya malikot basta naririnig niya ang kantang 'to." Ipinakita ko sa cellphone ko ang Johny Johny Yes Papa.

"Kapag pinawisan siya, ate, tatlo naman ang towel niya. Natimpla ko na rin po ang gatas niya. Kung inaantok naman siya, you are my sunshine ang mas magpapahimbing sa kaniya. Pero kapag umiyak ulit, abutan niyo na lang po ng snacks. Ate, kapag nama---"

"Pamela, hindi naman tayo maghapon." Paalala ni Ismael. Pero kahit pa, hindi naman 'yon dahil masyado akong negative mag-isip. Sadyang parte na ng pagiging ina ang mag-alala sa anak niya. Kaya kinumpleto ko ang lahat at naiintindihan ni ate Marina 'yon. Si Ismael ang OA magreact, hindi ako.

"Sige lang, Pam pam. Tatandaan ko lahat 'yan." Karga na ni ate ang anak namin at pagkatapos ay humawak siya sa braso ko.

"Magdasal ka lang, ha? Tiwala lang sa taas. Awkward man na sa'kin galing dahil madalas kaming magsigawan ni Mike pero legit 'yon. Proven and tested talaga, pam pam."

Tumango ako. Tama naman si ate. Mabait ang Diyos, he will never leave me.

"Salamat talaga, ate." Ngumiti ako.

"Siya, baka ma-late pa kayo. Naliligo lang si Mike kaya hindi kayo maharap." Nagpaalam na rin si Ismael at sumakay kami sa kotse nila. Grabe na talaga ang tulong nila sa'min.

Tahimik lang ang byahe. I closed my eyes and rested, but then my phone vibrated. Ngayon lang nagkasignal.

When I opened it, it was Sarah. Not only Sarah but the team. I began reading their messages on Messenger.





____________________________________

🌒 Sarah Sarah Prinsesa  📞 🎥• ⓘ
  • Active now

7:16 AM

Misis Minchin, kala mo, 
nakalimot ako no? hindi kaya

dala mo ba pillow na gift namin?
para chill ka lang sa chair maya.

dala mo ba pillow na gift namin?para chill ka lang sa chair maya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon