Note:
I always appreciated your comments and posts regarding my story :)
But starting from Traveler 31 to Epilogue, I'm hoping you will not spoil other readers.Thank you!
[Pamela's POV]
Nanginginig ang mga kamay ko.
Walang boses ang lumabas sa bibig ko mula nang marinig ang boses ni Leira at ang mga salitang sinabi niya.
Kung ano-ano ng pumasok sa isip ko. Pumunta ako sa kusina at doon unti-unting humikbi. Pinigilan kong ibuhos ang nararamdaman ko dahil natatakot akong magising ang anak ko at tanungin na naman ako ng bakit.
Masiyado pa siyang bata para malaman at maranasan ang lahat ng 'to.
Hindi puwede. Hindi puwede!
Ilang beses kong ibinulong sa isip ko.
Kinabukasan, hinalikan ko sa noo ang baby ko bago umalis. Inihabilin ko siya kay ate Marina dahil may mga dokumento akong aayusin.
Bago makaalis sa Pilipinas...
...papuntang Singapore.
Mabuti na lang at may passport ako. Kailangan kong makapunta agad doon. Kailangan kong makita si Ismael. Kailangan kong makita ang asawa ko.
May sinagutan din ako sa online bago makarating doon. Hinihintay ko na lang ang araw ng alis ko.
Ang pagtitiklop ng damit para ilagay sa maleta... ginagawa ko lang 'yon kapag tulog na si Six.
Kapag naglalaro siya at niyayaya niya 'ko, hindi ko na magawang sakyan. Lumilipad ang utak ko habang nakatingin sa kaniya at habang iniisip ang ama niya.
Si Isaiah... ang lagi kong kausap. Walang oras na hindi ko siya kino-contact. Siya ang tulay ko kapag kinukumusta ko ang asawa ko.
Sinasabi niya sa'kin na huwag akong magpanic. Makakarating din ako roon.
Ni hindi ako makatulog ng ayos dahil hindi ko nakikita ang lagay ng asawa ko sa ospital. Tinatanong ako ni Six kung bakit hindi na rin tumatawag ang tatay niya. Bakit si Tito Isaiah daw ang laging sumasagot.
Kaya pinaparinig ko na lang sa kaniya ang mga kuwentong na-download ko noon. Nakikinig naman siya hanggang sa makatulog na.
Ilang minuto bago dumating ang oras ng pag-alis ako, niyakap ko nang napakahigpit ang anak ko. Bigla na lang pumatak ang mga luha sa pisngi ko habang nakatayo siya sa harap ko at nakaluhod naman ako sa kaniya.
"Anak, puntahan ko muna si tatay, hmm?" sabi ko nang mahinahon.
"Si tita Marina muna ang bahala sayo. Si ate mella ulit ang katabi mo habang wala ako."
BINABASA MO ANG
The Travelers' Phenomena
عاطفيةCOUPLE SERIES #1 |Part 2| Kung pinagbigyan ka ng pangalawang pagkakataon, sasayangin mo pa ba? Kung galing ka sa isang lugar ng delubyo, babalik ka ba? O pipiliin mo nang maglakbay paalis doon? Kung maglalakbay, iyon ay dahil gusto mong makarating s...