TRAVELER 22: Documents

503 19 4
                                    

Dedicated to Erza0606❤️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dedicated to Erza0606❤️


[Pamela's POV]

I was terrified and panicked when I witnessed my son stepping just to reach the table.

Masyadong mabilis ang pangyayari. So I grabbed Ismael by the arm and ordered him to go check our son, who was still reeling from the shock of what had happened.

Hanggang sa nahuli na nga ang lahat. Natumba si Six at pumalahaw ng iyak. Kaya mabilis na nilapitan ni Ismael ang anak namin.

I slowly stepped closer to them.

"Ismael naman. Hindi agad pinuntahan. Tingnan mo, nagkasugat sa tuhod," sa naiinis kong tono.

"Ssshh, Six. Tahan na," alo ni Ismael sa anak namin. Lumabas na rin sina mama at papa sa kuwarto na halatang nagising pa.

"Anong nangyayari mga anak?" tanong ni papa habang pinapalitan na ni mama si Ismael sa pag-alo kay Six.

"Tahan na, apo namin. Papaluin ko itong sahig na 'to!" hinampas nga ni mama ang sahig para iparinig kay Six na pinalo na nga ito.

"Pinapalo ko na. Ang sahig nga naman, pinapaiyak ang apo namin. Tahan na, tahan na." Pagkatapos ay dahan-dahang binuhat ang apo niya na isinubo na ang mga daliri sa bibig. Pahina na rin ng pahina ang iyak niya.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Papa.

"Mukhang hindi sahig ang dapat na pinalo ko," sabat ni mama habang hinahaplos ang pisngi ni Six.

Umiling si papa at sa amin ni Ismael tumingin.

"Iniwa--" naputol ang sasabihin ko nang pangunahan ako ni Ismael.

"Pasensya na ho. Hindi ko napansing hindi ko pala maayos na nai-lock ang bakod ng kuna. Nakita na lang ho naming... nakarating na siya dito sa sala."

"Tsk tsk tsk, paano pala kung malala ang nangyari sa apo ko? Edi hindi lang sugat ito?!" dismayadong komento ni mama.

"Tama na 'yan, Amelia. Huwag mo ng sisihin ang mga bata. Hindi rin naman nila naisip na mangyayari ito. Isa pa, hindi naman malala ang sugat ng apo natin. Oh? Gasgas lang, gagaling rin 'yan. At kung gan'yan pala ang nangyari, hindi ba dapat ay matuwa na tayo dahil... nakakahakbang na pala ang bata?" napalunok ako at humawak sa braso ni Ismael. Dahil sa ginawa ko ay napatingin siya sa'kin.

"Sorry," mahinang bulong ko dahil muntik ko na ring sisihin si Ismael sa nangyari. Tumango naman siya para iparating na ayos lang. My panic has gradually vanished.

Tumahimik na rin si mama at hinele na lang ang apo niya. 

"Siya, magsitulog na tayo. Amelia, hayaan mong si Ismael na ang humawak sa bata. Tara na at baka mangalay na naman ang likod mo," kaya kinuha na ni Ismael ang anak namin kay mama.

The Travelers' PhenomenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon